Romanticisms Message Board
6 hours agoTo Mr. Silent Heartbreaker;
Dear Kassandro,Bakit ngayon lang ako naglakas-loob na ipagtapat sa 'yo ang lahat, 'yan ang karamihang nilalaman ng mga mensaheng natatanggap ko mula sa ibang mga nakabasa ng series of confessions ko para sa 'yo..
Ngayon, lilinawin ko lang. Na mali sila.
Hindi ito ang unang beses na sumulat ako sa 'yo. May nauna pa.
Pero hindi katulad ngayon na sa facebook ko idinaan. Kasi ang nauna, isinulat ko papel.
Ginawan kita ng loveletter.Doon, inamin ko lahat. Na sa kabila ng makailang-ulit kong pagsasabi na ayaw ko na, hanggang ngayon, sige pa rin ako.
Na sinusukuan man kita saglit, pero minamahal kita ng paulit-ulit.
Na mahal ko ang liwanag mo. Pero mas mahal ko ang karimlan na kalakip nito.Lahat ng iyon, nasa liham ko para sa 'yo.
Sulat na umabot pa sa mga kamay mo.
Sulat na pinag-alayan ko ng pagmamahal, tapang at lakas ng loob.
Sulat na nagdala sayo sa pag-ibig mo.
Sulat na nagdulot ng kasawian ko.Kassandro, tanda mo pa ba?
Kung paano ako naglakas-loob na humarap sa 'yo pero iba ang nakita mo.
Ako ang nahulog sayo,
Pero bakit siya ang sinalo mo?Tapos ngayon, malalaman ko, na sinayang ka lang?
Hindi katanggap-tanggap.
Mas nasasaktan ako.
Kasi kung hindi dahil nang araw na iyon, hindi magku-krus ang landas ninyo.
Tanda mo pa ba ang araw na iyon, Kassandro?- Serene
Like | Comment | Share
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko matapos basahin ang confession ni Serene. Nabasa ko na iyon, actually. Ni hindi ko nga tiyak kung pang-ilang ulit ko na to. Pero kagaya sa reaksyon ko nang una ko itong mabasa, ramdam ko na naman ang pagbigat ng dibdib ko.
Dahil oo, tandang-tanda ko pa ang araw na sinasabi ni Serene,
Ang kaparehong araw na nakilala ko si Chiara...------
Mag-isa lang ako noon na nakatambay sa McClinton hall nang dumating si Amen na busangot ang mukha. Parang alam ko na agad kung bakit.
"Pinagpalit na naman ako ni Claine kay Sha," himutok ni Amen, sabay salampak ng upo sa tapat ko. "Parang gusto ko na tuloy itakwil si Claine bilang tropa. Nagka-lovelife lang, nakalimot. 'Wag siya lalapit-lapit sa akin kapag na-broken siya, bubugbugin ko talaga siya."
Natawa lang ako sa pinagsasabi nito.
"Selos ka agad kay Sha? Tanggapin mo na lang bro, na sa kanya sasaya si Claine. Support na lang tayo." pangongonsuwelo ko na lang. "Saka you still have me, may forever sa 'tin."
"Talaga. 'Di kita papayagan mag-jowa. Hahadlangan ko kapag may pumorma sa 'yo."
Napahalakhak na ako. "Gago ka. Nabakla ka na?"
"Ayaw ko lang maging third wheel lagi. 'Kasura na nga si Claine 'nung sumabit ako sa lakad nila kagabi, eh. Panay akbay kay Sha. 'Di ba niya naiisip na baka naiinggit na ako? Tangina lang."
"Mag-jowa ka na rin." Udyok ko sa kanya.
"Maghintay lang kayo. Alam kong on the way na siya. Naligaw lang saglit sa maling tao, pero mahahanap rin ako 'nun." Tiwalang sabi ni Amen. "Eh, ikaw? May balak ka ka na rin sumunod sa yapak ni Claine?"
YOU ARE READING
Daily Fools
Teen FictionBrokenhearted si Kassandro sa ex-girfriend niya nang dumating sa buhay niya si Serene--ang babaeng ginawang hobby ang kulitin siya. Mula sa walang humpay sa chat messages hanggang sa pagtawag sa kanya ng 'mahal'. Sa pagkabwiset, binlock niya ito sa...