Reply a comment...
Curious Kace: Naaalala na kita...
View more replies..
Claine Dela Llana: Kilala mo na, bro? Sino?
Benjamin D. Alforque: PM, tol.
Shahanah Chavez: Chiara Matilde Roces, bes, sino si ate girl? Knows mo?Hindi ko na tinapos ang pagbabasa sa ibang comments para sa pangatlong confession ni Serene. Ang haba at ang dami na kasi para isa-isahin ko pa.
Oo, aaminin ko, pinagtiyagaan kong gawin iyon sa confession niya kahapon--umaasa na magkakaroon ako ng clue sa kung sino talaga ang sender. Hoping na sana'y isa siya sa magko-comment--or better, magrireply siya sa comment ko.
Pero wala. Hindi nangyari. Wala pa rin siyang maski katiting man lang na clue tungkol sa pagkatao niya. Hanggang sa i-post ng RMB ang kanyang third confession.Muli kong binasa iyon;
Romanticisms Message Board
32 minsTo Mr. Silent Heartbreaker;
Dear You,Sa loob ng ilang taon, kinasanayan ko na ang mahalin ka ng buo, subalit patago.
Iyong tipo na sa tuwing nakikita kitang nagdaraan sa hallways, sa canteen, sa library, sa quadrangle, sa gymnasium, sa labas ng school, o kahit pa sa panaginip ko, bigla na lang, kahit gaano pa kalawak ang paligid, bigla iyong liliit--na para bang kaya mong sakupin ang lahat ng espasyo, hanggang sa muli pa, lingid man sa kaalaman mo, nasakop mo na namang muli ang puso ko.Paulit-ulit. Walang pagkasawa.
Para akong gamu-gamu at ikaw ang apoy. Ilang beses ko mang sinubukan na umiwas na lang, hindi ko magawa. Hindi ko ginawa. Hindi ko kayang gawin.
Palagi akong nagbabalik sa lugar ng mga tangang mag-isang nagmamahal, kung saan may permanent slot na ako.Kung bakit kasi ayaw makiayon sa akin ng tadhana..
Kagaya lang noong grade six tayo. Apat na araw kitang hindi nasilayan dahil absent ako--akala ko 'nun, ang tapang ko na.
Nakaya ko na hindi ka makita.
Kaya siguro, makakaya ko rin ang hindi ka na mahalin.Kaya naman, noong umagang pumasok na uli ako, pinili kong magpakatatag.
Itinutok ko lang ang mga mata ko sa daan, sa sementadong hallway, sa kawalan--makaiwas lang mapatingin sa mga lalaking naka-complete uniform, matatangkad, may magandang ngiti--dahil baka maligaw na namang muli ang mga mata ko sa 'yo..
At ayoko na. Matatag na ako, hindi ba?Kung kaya sa kabila ng pawisan kong mukha, sa mabibining kirot sa puson ko dala ng regla, sa dumadagundong kong dibdib, sa mga tawa at bulong-bulungan na tila ba nakasunod sa akin, pinili kong hindi mag-angat ng tingin.
Dahil alam ko, matatag na ako.Pero bakit kinailangang subukin agad ng tadhana ang damdamin ko?
Natagpuan ko na lang kasi ang sarili kong nakapaloob sa mga yakap mo.. Nakatingala ako sa 'yo at nakatunghay ka sa akin, habang unti-unting naglalaho sa paligid natin ang ingay, ang ibang tao, ang lahat..
At nang ngumiti ka,
Si Matatag, ay muling naging Marupok.-The girl he never noticed.
-----
"Huy," pagkuha ko sa pansin ng babaeng kaharap ko. "Ngumiti ka rin. 'Pakita mo sa kanila na hindi ka affected."
Pero tila walang narinig ang babae. Nanatili lamang siyang nakatitig sa akin. Bahagya pang nakanganga ang bibig. Larawan ng pagkagulat. Ng pagkamangha. Ng hindi pagkapaniwala.

YOU ARE READING
Daily Fools
Ficção AdolescenteBrokenhearted si Kassandro sa ex-girfriend niya nang dumating sa buhay niya si Serene--ang babaeng ginawang hobby ang kulitin siya. Mula sa walang humpay sa chat messages hanggang sa pagtawag sa kanya ng 'mahal'. Sa pagkabwiset, binlock niya ito sa...