2

463 44 19
                                    


After class mo ha, hintayin kita sa labas ng University.

Pagkatapos makitang nag-message sent ang text ko para kay Chiara ay sunod kong hinarap ang nakabukas na laptop. Saglit na dumako ang tingin ko sa digital clock na naka-pinned sa screen ng laptop--mag-aalas dos pa lang ng hapon.
May sapat na oras pa ako para makabuo at makatapos kahit isang chapter lang ng binubuo kong kwento.

Napabuntong-hininga muna ako bago sinimulang padaanin ang mga daliri ko sa keyboard. Nangangapa. Nananantiya.
May ideya naman na ako para sa susulatin ko, pero sa kung anong sumapi sa akin, wala maski isang salitang babagay sa kung paano ko nais simulan ang storya.

Nabablangko ako sa kabila ng samut-saring ideyang naiisip ko. Na para bang may parte ng utak ko ang pumipigil sa aking paganahin ang pagiging manunulat ko.
At nang mga sandaling ito, batid ko, wala sa sistema ko si CuriousKace.

Ako ngayon si Kassandro. Ang tunay na ako. Nagmamahal. Naghihintay. Nasasaktan.

Kung kaya sa halip na ituloy ang nauna kong balak na sumulat, binuksan ko na lang ang facebook account ko.
Unang tumambad sa akin ang facebook post ni Chiara. It was timed an hour ago.

Base sa selfie post niya, nasa loob siya ng McDonald's. May kaharap na McFreeze at McBurger. Ngiting-ngiti. Na para bang hindi man lang nanggaling sa muntikang hiwalayan. Na para bang walang kaalam-alam na sa isang bahagi ng mundo, nandito ako at naghihintay na magparamdam siya.

Pero ang mas nakakuha ng pansin ko ay ang caption ng photo niya; Muntik nang masanay ako sa 'king pag-iisa.. Buti dumating ka.

Sinundan pa iyon ng tatlong heart emojis, at blush and laughing emoticons.
Iisa lang kaagad ang pumasok sa isip ko. Walang duda na masaya siya. At in love.
Ang masaklap, hindi ko tiyak kung sa akin pa rin ba.

Binasa ko ang mga naroong comments. Karamihan, galing sa mga kaibigan niya. Pero may isang hindi ko kilala. A certain guy named Kino Lacson. Simpleng heart emoji lang naman ang comment nito, na ni-heart react din ni Chiara, pero sapat na iyong rason para ma-activate ang pagiging teritorial ko.
Ayaw kong may umaaligid sa pagmamay-ari ko. Sa babaeng mahal ko. Kahit ba hindi ko na tiyak kung ako pa rin ang mahal niya.

Kung kaya nag-comment rin ako.

Kassandro Borromeo: Pa-pa-ra-pa-pa.. Love kita.

After it was posted, dumiretso ako sa inbox at minessage ko si Chiara.

Chiara Matilde Roces
Active now

Kassandro: Chi, tuloy ba tayo mamaya?
Chiara Matilde: Uhm, yeah. Kailangan, di ba?
Kassandro: Napipilitan ka lang lumabas kasama ako?
Kassandro: Pwede namang next time na lang. We still have a month pa naman.
Chiara Matilde: No, baka sabihin mo, wala akong cooperation sa one month rule na 'yan.
Kassandro: Okay..
Kassandro: Chi?
Chiara Matilde: ?
Kasandro: Mahal mo pa ba ako?
Chiara Matilde is typing...
Kassandro: Kasi ako, mahal kita.
Kassandro: Kahit noong mga panahong sinabi mong hindi mo na ramdam ang pag-ibig ko, maniwala ka, minamahal kita.
Kassandro: At kahit ngayong pinararamdam mo sa akin na balewala na ako para sa 'yo, mamahalin pa rin kita..
√ Seen 2:25 PM
Chiara Matilde is typing...
Kassandro: Chi?
Kassandro: Gaano ba kahirap para sa 'yo ang sagutin ang tanong ko?
Kassandro: Yes or No lang naman, Chi.
Kassandro: Do you still love me?
Chiara Matilde is typing...
Kassandro: Hey?
Chiara Matilde: Its our treasured moments versus our bad times together. 'Yon ang tinitimbang ko bago ako makapag-decide, Kace.
Chiara Matilde: Kailangan kong mamili kung alin ang mas pahahalagahan ko.
Chiara Matilde: Ang mga halik mo o ang mga iniluha ko?
Chiara Matilde: Alin ba ang mas mahalaga? Ang mga yakap mo o ang mga panahong pakiramdam ko, mag-isa na lang akong lumalaban para sa relasyon natin?
Chiara Matilde: Kaya bago mo ako sumbatan, alalahanin mo muna kung sino ang unang nanlamig, Kace.
Chiara Matilde: Ikaw 'yun. Ikaw ang unang nawalan ng oras sa akin, sa atin.
Kassandro: Kaya nga babawi ako, Chi.
Chiara Matilde is typing...
Kassandro: Ihahatid-sundo na uli kita.
Kassandro: I'd spend Sundays with you.
Kassandro: No more hang-outs with the Brosko's after class.
Kassandro: Magsabi ka lang. Ano pang mga kailangan kong gawin?
Chiara Matilde: Today is Claine's birthday.
Kassandro: So? Anong kinalaman ng problema natin sa kanya?
Chiara Matilde: Aasahan ko nang mali-late ka na naman sa usapan natin mamaya. I mean, what's new? Your friends were always your top priority, 'di ba?
Kassandro: No, I promise, on time ako mamaya.
Kassandro: Or aagahan ko pa.
Chiara Matilde: Okay. See you then.
Kassandro: Can't wait to see you, love.
Kassandro: I miss you already.
Chiara Matilde: < Like >

Daily FoolsWhere stories live. Discover now