First day of school.
Nagkalat sa school canteen ang iba't ibang uri ng estudyante--mula sa campus crushes hanggang sa random faces. May ibang nagso-solo habang ang ilan ay kasama ang kanya-kanyang tropa.Siksikan dito, tulakan roon. Maingay. Magulo. Lalong-lalo na ang mga freshmen na gaya ko. Nangangapa. Gustong makibagay.
"Dapat talaga masarapan ako sa food nila rito para worth it naman ang pagtitiis ko sa pila, at sa makailang beses na pagpipigil ng paghinga, kasi naman 'yung estudyante na nauuna sa 'kin, may baong kwarenta'y singko. Putok na putok!" nakaangal na pagkukwento ni Amen, habang sinisinghot ang order niyang beef estofado. "'Langya. 'Di ko na tuloy maamoy ang in-order kong ulam. Iba na talaga level ng putok 'nung lintek, eh. Nangha-haunting ang baho."
Katatapos lang namin makipagtuos sa dami ng estudyanteng pumila para um-order ng makakain. Kasalukuyan na kaming naghahanap ng mapupwestuhan.
"Kaysa naman ako, may nanghipo sa pwet ko 'dun sa pila." segunda rin ni Claine. "Muntik na 'kong manapak kanina, kaso di ko alam sino ang nanghipo kaya di ko alam sino ang sasapakin."
Natawa na lang ako sa kanila. "Mabuti pa ako, nasa gitna n'yo kaya chill lang."
"Oh, shit, mga bro! May magandang chick, tignan n'yo!" Biglang bulalas ni Claine. "Hey, tanda n'yo pa golden rule ng tropa? Finder's keeper. Move over, guys. That girl is mine."
"May nang-angkin?" Sabi ko na lang. "Sa 'yo na."
"Saan ba banda? 'Yung naka-bangs?" Usisa naman ni Amen. Nakasuyod ng tingin sa paligid ng canteen.
"Yeah, yeah. Ganda, di ba?"
Natawa si Amen. "Oh, tara."
Biglang nataranta si Claine. "Teka, lalapitan natin?"
"Syempre, para mapansin ka," balewalang tugon ni Amen, nagpatiuna na sa paglakad. Sumunod na lang din kami ni Claine. "Gusto mo kamo, de magpapansin ka. O habang-buhay ka na lang mananahimik sa isang tabi, kapiling ang pagsisisi at maraming sana. Na sana, unang kita mo pa lang, nilapitan mo na."
Natatawang napatingin ako kay Amen. "Bakit ang dami mong alam?"
"Pero paano 'yan? Isang seat lang ang bakante sa table niya," puna ni Claine. "Paano kayo? Saan kayo uupo?"
"Gagu. Ako ang uupo don. Ako ang makikipagkilala tapos sisenyasan na lang kita kung kailan ka lalapit--"
"Tangna mo. Uunahan mo pa 'ko? Bahala ka riyan." Angal ni Claine saka walang likod-lingon na naglakad patungo sa babae bitbit ang tray ng pagkain nito.
At kung kailan nasa likuran na sana si Claine ng babaeng natipuhan niya ay saka biglang sumulpot mula sa kung saan ang isa pang babaeng may bitbit ring tray.
Bahagyang nasagi ni Claine ang siko ng babae dahilan para mahulog ang laman ng dala nitong tray."Uh-oh." Sambit ni Amen. "'Yan kasi. Hayok sa maganda, nakadale tuloy ng iba."
"Tulungan natin." Saad ko na lang saka nilapitan si Claine--na panay ang paghingi ng sorry.
Nakalapit na rin kasi ang crush nito, na tumutulong ngayon sa babaeng nadisgrasya sa pagpupulot ng kutsara't tinidor at mga nagkalat na fries, kanin at hita ng manok sa sahig.
YOU ARE READING
Daily Fools
أدب المراهقينBrokenhearted si Kassandro sa ex-girfriend niya nang dumating sa buhay niya si Serene--ang babaeng ginawang hobby ang kulitin siya. Mula sa walang humpay sa chat messages hanggang sa pagtawag sa kanya ng 'mahal'. Sa pagkabwiset, binlock niya ito sa...