1

896 64 61
                                    


"Matatawag na ba 'kong tanga dahil humirit pa 'ko ng one-month rule, mga bro?" Ang nahihirapan kong tanong sa Brosko's--ang tropang kinabibilangan ko.

"Hindi naman tanga," maagap na tugon Benjamin--or simply Amen to his close friends. "Mas tamang sabihing, ang tanga-tanga mo. Para kang hindi brusko. Para ano pa't Brosko's tayo? 'Di tayo ang naghahabol, tol. Tayo ang hinahabol."

Hindi man lang nakatulong sa paghihirap ng damdamin ko ang sinabing iyon ni Amen. Mas nakadagdag pa nga sa pagkalitong nadarama ko. Pero may punto ito.

"Yeah, right. Ego ko na nga lang ang itinirang buo ni Chiara sa akin, pero pati 'yun, piki't-matang itinaya ko pa."

Pumalatak naman si Claine, na abala sa kaka-text sa girlfriend nito. "Bakit kasi may pa-one month rule, one month rule pa. Kung break, de break. Tapos."

Nang-aasar na hinarap ko si Claine. "Ah, talaga? Kaya pala 'nung hiniwalayan ka ni Shahana, kulang na lang mag-hunger strike ka, balikan lang niya? At least ako, hindi ko dinaan sa paawa effect, di ba?"

"Pero paano ba kasi 'yang one month rule na 'yan?" hirit uli ni Amen. "Gumawa na lang ng kasunduan, hindi pa sinagad. Imbes na one-month rule, bakit hindi na lang, Wala-ng-hiwalayan rule? Ang kakalas, patay."

Naghihirap man ang kalooban ko subalit hindi ko napigil ang matawa sa sinabing iyon ni Amen. Dahil sa Brusko's, hawak ni Benjamin Alforque ang titulo ng pagiging kalog--hindi dahil nakakatawa ito kundi dahil mahilig itong humirit.

"Try ko ngang alukin ng rule na 'yan si Shahana." Natatawang komento ni Claine. "Para road to forever na."

Tinapik ni Amen sa balikat si Claine. "'Ge lang, pare. Support kita. Pero mabalik tayo sa pausong rule ni Kace," sa akin naman bumaling si Amen. "Paano ba 'yun, tol? Walang pansinan in one month? No contact?"

"Actually, its the opposite. Its a some sort of a deadline. In one month, kailangan ko ma-prove sa kanya na I'm worth a second chance, na we should give our relationship another shot." Paliwanag ko sa kanila. "But it wasn't my idea, okay? It was Chiara's."

Bigla na lang umarteng nasasaktan si Amen, may pa-sapo sapo pa ito sa dibdib nito. "Sakit naman 'nun, tol. Isipin mo, may ganoong paandar ang girlfriend mo simula pa lang. Anong ibig sabihin 'nun? Hindi niya planong mag-grow old with you. Or maski until seventy man lang kasi nakaplano na pala ang gagawin kung sakaling maghihiwalay kayo. 'Lam mo, tol, kung true love ka talaga niya, hindi niya maiisip man lang na maghihiwalay kayo," sunod-sunod na pagpalatak ang ginawa ni Amen. "Sad naman."

Naiinis na tingin ang ibinato ko sa kanya. "'Namoka. Hiwalayan ka rin sana nang maranasan mo rin ma-broken."

Ngisi lang ang isinagot sa akin ni Amen. "'Di uso ang hiwalayan sa mga walang label."

"Pero paano na 'yan, bro? Pumayag ba si Chiara sa rule? Pinagbigyan ka?" Usisa naman ni Claine.

Dahil sa tanong na iyon, muli kong naalala ang naging pag-uusap namin ni Chiara kahapon...

"One month rule? Hindi ko alam na may ganoon pala tayong kasunduan," naiiling na saad ni Chiara. "Usapang lasing lang 'yun, ah. Sineryoso mo?"

"Lahat naman basta tungkol sa 'yo, sineseryoso ko." Buo ang boses na tugon ko.

"Okay, fine," nasa boses nito na tila ba pinagbibigyan lang ako, para wala na akong masabi pa. "Anong mangyayari habang nasa one-month rule pa tayo?"

Daily FoolsWhere stories live. Discover now