3

446 42 18
                                    

Curious Kace updated his status.
Just now

Yes.
I remember then--
Where time was measured in kisses hidden behind locker doors, snuck down empty halls, tucked into corners, and accented by tears, by giggles, by I love you's..

ISANG malalim na buntong-hininga muna ang pinakawalan ko bago ko pinindot ang lock screen matapos ang facebook post ko na iyon. Hindi ko na hihintayin ang mga magko-comment. Hindi ko rin naman friend sa account na ito ang taong pinatutungkulan ko ng post ko. Si Chiara.

"Papasok ka ba sa next subject?" untag sa akin ni Amen.

Lunch break nang sandaling iyon at kasalukuyan kaming laman ng school canteen. Pero hindi namin kasama si Claine, naliligaw na naman siguro 'yun--o nanliligaw na naman kay Sha.

Ganoon kasi kapag wala si Claine, dalawa lang talaga ang posibleng dahilan. Una, ang naligaw ito. Literal. Dahil kung saan-saan ito sumusuot. At ang pangalawa, may LQ ito at si Sha.

Kalbaryo na ni Claine ang ligawan ng paulit-ulit si Shahana, hindi upang maging girlfriend uli nito ang babae kundi upang mapatawad ito kapag magkaaway ang dalawa.

At kagaya ko, problemado rin ngayon si Claine sa lovelife niya. Dahil sa akin..

At dahil sa isiping iyon, wala sa loob na binuksan ko ang messenger lite. Doon naka-log in ang main account ko--ang Kassandro Borromeo.
Kapagkuwan ay hinanap ko ang pangalan ni Chiara sa inbox, saka ko binuksan ang conversation.
At habang pinasadahan kong muli ng tingin ang mga facebook messages niya, isa lang ang tumino sa isip ko--I'm totally fucked up.

Napakalaking shit.
Ni katiting na pag-asa, wala na akong mapanghahawakan ngayon. Chiara has reached her limits.
Muli kong binasa ang sangkaterbang messages niya.

C

hiara Matilde: Kace, saan ka na?
√ 4:45 PM
Chiara Matidle: Tapos na ang class ko. Palabas na ako ng University.
√ 4:55 PM
Chiara Matilde: Kace, tuloy ba tayo?
√ 4:58 PM
Chiara Matilde: Sabi na, eh. Mali-late ka na naman.
√ 4:59 PM
Chiara Matilde: Nasa Bonchon na ako. Ano na?
√ 4:59 PM
< You missed a videocall from Chiara Matilde.. >
Chiara Matilde: Tinatawagan kita, ba't ayaw mo sagutin?!
5:14 PM
Chiara Matilde: Panay lang ring ang phone mo. Ano ba!
5:21 PM
Chiara Matilde: Answer my calls, Kassandro!
5:23 PM
Chiara Matilde: Nagda-drive ka ba kaya hindi mo masagot ang tawag ko?
5:27 PM
Chiara Matilde: 5:32 na, Kace. Saan ka na ba?
5:33 PM
Chiara Matilde: Didiretso na lang ako sa mall. 'Dun na tayo magkita.
5:42 PM
Chiara Matilde: Pasakay na 'ko ng taxi. Sa labas ng sinehan na tayo magkita.
5:49 PM
Chiara Matilde: Kace, nandito na ako.
6:18 PM
Chiara Matilde: Ano na? Sisiputin mo pa ba ako?
6:27 PM
Chiara Matilde: Bumili na 'ko ng popcorn at drinks. Ikaw na sa ticket.
6:30 PM
< Chiara Matilde sent a photo >
Chiara Matilde: Ayan, nangalahati na ang popcorn, pero wala ka pa rin.
6:35 PM
Chiara Matilde: Magsisimula na ang palabas, Kace.
6:46 PM
Chiara Matilde: Kapag hanggang 7pm, wala ka pa rin, uuwi na lang ako.
6:48 PM
Chiara Matilde: Manonood na lang ako mag-isa. Bahala ka na.
6:54 PM.
< Chiara Matilde sent a photo. >
Chiara Matilde: Nagsimula na ang palabas!
Chiara Matilde: Pero wala ka pa rin.
Chiara Matilde: You did it again, Kace.
Chiara Matilde: Hindi mo na naman ako sinipot.
Chiara Matilde: Hindi ka na yata talaga magbabago.
Chiara Matilde: Bakit ba umasa pa ako.
7:17 PM
Chiara Matilde: And ngayon, pinatay mo pa talaga ang phone mo dahil tawag ako ng tawag?
7:31 PM
Chiara Matilde: Chinat ako ni Shahana, asking me kung kasama ba natin si Claine. So, magkasama na naman kayo?
7:49 PM
Chiara Matilde: Tama nga ako. Uunahin mo na naman 'yang barkada mo.
Chiara Matilde: De magsama kayo.
Chiara Matilde: Gago ka, Kassandro.
7:53 PM
Kassandro: Chi! Nakauwi ka na?
Kassandro: Yes, kasama ko ngayon si Claine pero hindi gaya ng iniisip mo, okay?
Kassandro: Chi, 'wag mong i-seen lang. Please.
8:37PM
Kassandro: Nakauwi ka na ba? Kung hindi pa, pupuntahan kita riyan sa mall.
Chiara Matilde: Don't bother, baka maabala ka pa.
Kassandro: I'm really sorry, Chiara. I know you're mad at me but please, hear me out muna. Mag-i-explain ako.
Chiara Matide is typing...
Kassandro: Ginamit ni mama 'yung sasakyan ko, kaya nanghiram ako kay Claine. Pero nasa Bliss siya, sila ni Sha kaya pupuntahan ko sana don para kunin ang sasakyan.
Kassandro: Nag-jeep lang ako papuntang Bliss kasi baka ipasikot-sikot pa 'ko ng driver kapag nag-taxi ako. Pero something bad happened sa jeep.
Kassandro: Na-holdap ako, Chi :(
Kassandro: Tinutukan ako ng ice peak 'tas pinababa ako ng jeep. Kinuha wallet ko, pati phone.
Kassandro: Kinailangan ko pang maglakad ng ilang metro bago ako nakahingi ng tulong. Nakitawag ako. Ikaw sana tatawagan ko pero 'di ko pala nasaulo ang new number mo. 'Yung dati mong number ang natatandaan ko.
Kassandro: Kaya si Claine na tinawagan ko. Nagpasundo ako.
Kassandro: At kaya ngayon lang ako nakapag-message sayo dahil naghanap pa kami ni Claine ng internet shop para ma-i-chat kita.
Kassandro: Kasi si Claine, naiwan niya ang cellphone niya kay Sha.
Kassandro: So, 'yun. Kaya hindi kita napuntahan. But believe me, Chi, hindi ko sinasadya. Hindi ko hawak ang pangyayari..
Kassandro: Forgive me, love.
Kassandro: 'Wag mong i-seen lang. Please?
Chiara Matilde: You know what, Kace, parang familiar 'yong explaination mo.
Kassandro: Huh?
Chiara Matilde: Ah, yes! I remember na. Tanda mo pa 'nung third monthsary natin? Dapat, isi-celebrate natin 'yun sa resort ng family ni Jenna, pero hindi ka dumating. Napanis kami nila Jen sa kahihintay sayo dahil natulog ka lang pala buong maghapon..
Chiara Matilde: Pero ang palusot mo, na-holdap ka. 'Yun pala, sa panaginip mo. (3 laughing emojis and a smug emoticon)
Chiara Matilde: Nakipagpalit ka pa ng cellphone kay Benjamin 'nun para lang paniwalain ako na naholdap
Kassandro: Na-explain ko naman na 'yun, di ba? Nag-sorry na rin ako. :( Napuyat lang talaga ako ng sobra that night kaya nakatulog ako 'nun maghapon. Naka-silent pa phone ko..
Kassandro: Sorry I lied to you then..
Kassandro: But this time, its real. I swear.
Chiara Matilde: Pwede ba, Kace, do me a favor?
Chiara Matilde: Sa susunod na magpapalusot ka na lang din, 'wag 'yung recycle.
Chiara Matilde: Kung sinabi mo pa sigurong na-kidnap ka ng mga aliens, baka naniwala pa 'ko.
Kassandro: Kailangan ko pa ba ipakita sa 'yo ang kopya ng blotter report ko, para maniwala ka?
√ Seen 8:53 PM
You cannot reply to this conversation. Learn more.

Daily FoolsWhere stories live. Discover now