No music swells within his soul
Just silence sorrounds his heart,
And the solitude engulfs his heart
When the poet and love depart---Natigil ako sa pagbuo ng tula nang biglang pumailanlang sa ere ang ringtone ko.
Nang tignan ko ang cellphone, nakita kong si Claine ang caller. I answered his call on the fifth ring."Wassup--"
Ni hindi pa man ako nakatapos sa sasabihin ko nang magsalita si Claine, may urgency sa tinig.
"Mag-facebook ka, tol. Bilis!"
Kaagad ding nagsalubong ang mga kilay ko. "Ha? Bakit? Anong meron?"
"Basta! Mag-fb ka. 'Yung sa Curious Kace," may bahagyang diin sa boses nito. "Now na."
Dala ng kuryusidad at pangamba, kaagad akong nag-log-in sa Facebook Lite. Nandoon ang account kong Curious Kace. At mas tumindi lalo ang curiousity ko nang makita kong sabog ang notifications ko.
Mayroong 87 friend requests, 14 messages at 17 notifications.
Una kong binuksan ang inbox. Sari-saring messages ang naroon, ang iba ay mula sa mga nakakausap ko na online habang ang karamihan ay mula sa mga pangalang hindi pamilyar sa akin. Subalit halos iisa lang ang nais--tanggapin ko na raw ang Friend Request nila.
Hindi ko na muna iyon inintindi. Hinanap ko sa conversation list si Claine. Pero bago ko pa man siya i-chat ay nag-pop-up na ang chatheads ni Amen.
Benjamin D. Alforque
• Active NowBenjamin: Bro!
Benjamin: Sino 'yung sender?
Benjamin: Nakilala mo na ba?
Curious Kace: Huh?
Curious Kace: Anong sender?
Curious Kace: Ano bang meron?
Benjamin: Wait, hindi mo pa alam?
Benjamin: May nag-confess about you sa isang page!
Curious Kace: Seryoso?
Curious Kace: Anong page?
Benjamin: Check mo notif mo, bro. Tinag kita. Maski si Claine, tinag ka.
Benjamin: Bilib na talaga ako sa kapogian mo, dre.
Benjamin: How to be you po? Huta!Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, biglang namawis ang palad ko. Hindi kaya na-bash ako?
Dali-dali kong hinanap sa notifications ang tag ni Amen. Ang una kong napansin ay ang sangkaterbang notifs about everybody mentioning me in a certain post.
Ito na ba 'yun?I decided to know so I clicked the notification. I was led to a confession page--ang Romanticisms Message Board.
Romanticisms Message Board
37 minutes agoTo Mr. Silent Heartbreaker,
Sa iyo,Sa loob ng maraming taon, naranasan ko kung paano ang mag-isang umiibig. Hindi dahil sa hindi niya ako magawang mahalin, kundi dahil hindi ko siya binigyan ng pagkakataong mahalin ako pabalik.
Iyon ay dahil minamahal ko siya ng palihim.Pero lahat ay mayroong katapusan.
Sa araw na ito, wawakasan ko na. Hindi ang pag-ibig ko para sa kanya, kundi ang pagkakuntento ko na lamang na mahalin siya ng tahimik.Kaya ngayon, mag-iingay ako. Ipapaalam ko sa lahat sa kung paano naligaw ang mga mata ko sa isang nakakalulang tanawin--na nagngangalang Kassandro. (o mas kilala bilang si Curious Kace)
YOU ARE READING
Daily Fools
Teen FictionBrokenhearted si Kassandro sa ex-girfriend niya nang dumating sa buhay niya si Serene--ang babaeng ginawang hobby ang kulitin siya. Mula sa walang humpay sa chat messages hanggang sa pagtawag sa kanya ng 'mahal'. Sa pagkabwiset, binlock niya ito sa...