Romanticisms Message Board
• 2 hoursTo Mr. Silent Heartbreaker,
Sa iyo,Nabasa ko kahapon ang libo-libong nagkomento sa kung paano tayo nagsimula.. Mali, wala nga palang tayo.
Dapat pala, sa kung paano sa isang iglap lang, nakuha mo ang puso ko. Walang kahirap-hirap. Hindi sinasadya, pinili ka ng kusa.Ngunit sadyang hindi yata nakaayon sa atin ang tadhana 'nang mga panahong iyon--dahil isang buong linggo ako noon na hindi nakapasok. At 'nung pumasok na uli ako, wala nang naghihintay sa akin kundi ang bakas ng alaala mo na lang..
Pero naging sapat iyon upang maging matapang ako, matapang na harapin ang takot ko...Dahil siguro nga, wala sa panig ko ang tadhana.
Kagaya na lamang sa kung paano ako nito binigo noong Grade five tayo, noong mahanap ko ang pangalan mo sa listahan ng section Gumamela--habang ako ay nasa section Cattleya.
Bakit ba hindi tayo pagtagpuing muli?Mabuti na lamang, may konsolasyon na hatid ang kapalaran..
Dahil ang class adviser namin ang natokang maging examineer ng section ninyo noong First periodical test.
Matik nang kami ang magchi-check ng answer sheets ninyo.
Kung sana lang alam mo kung paano ko sinuyod ang buong klase namin para lang hanapin ang pangalan mo, ang papel mo..
Nagbayad pa ako ng sampung piso sa kaklase kong nakahawak ng answer sheet mo--maliit na halaga kapalit ng hindi matatawarang saya, mahawakan lang ang papel na nahahawakan mo.. Maisip lamang na ilang oras mo rin iyong tinitigan, sinasagutan.. At ngayon, hawak ko na.At nang kailangan nang i-record ni Ma'am ang score mo, sana'y alam mong halos umabot sa kabilang classroom ang boses ko nang isigaw ko ang nakuha mong marka. 57 over 60!
Walang duda, karapat-dapat ka ngang mahalin.Hindi ka lang gwapo. Mabait ka na, matalino ka pa. Perpekto.
Ano pa ba ang kulang sa 'yo?
Ah, ako.Hanggang ngayon, ikaw pa rin,
- The Girl You Never Noticed.------
"SAAN tayo after class, bro?" Nandedemonyong tanong ni Claine nang hapong iyon. Actually, wala naman na silang klase. Checking and recording lang sa resulta ng nagdaang periodical test kaninang umaga. Baka nga i-dismiss sila ng maaga after checking.
"Wala ako sa mood gumala, tingin ko kasi bagsak ako sa Science." ani Amen, nakayupyop ito sa armchair ng upuan nito. "Hype kasi 'tong si Kace, eh. Ang liliit ng sulat, sabi nang lakihan niya para makita ko ng maayos. Ayun, 'di ko tuloy nakopya. Sumakit lang leeg ko kakalingon."
Ganoon na lang ang pagtawa ko. "Gago ka. Sinabihan na kitang kay Claine ka na lang kumopya."
"De mas lalo akong nahilo? Si Claine pa? Grade five pa lang tayo pero ang sulat-kamay, pang-doctor na." Umingos pa si Amen. "Baka nga siya lang nakakaintindi sa penmanship niya, eh."
Natawa lang si Claine. "Kapag may bagsak ako, ipi-petisyon ko mga bro. Kasi for sure, tama ang sagot ko, mali lang ang basa ng checker."
"Ge, support kita," ani Amen. "Sana lang, support n'yo rin ako kapag 'di na ako binigyan ng allowance ni Mommy kapag bumagsak nga ako."
"Yan kasi. Inuna pang date sa canteen, eh. Ano ka ngayon?" Pang-aasar ko kay Amen.
"Sa math, question number 27, 'nung kinailangan hanapin ang value ng X, aba ang sinagot, ang haba! May explaination pa." Natatawang pagkwento na rin ni Claine. "Na kesyo X na, wala na dapat value. Bakit pa daw bibigyan ng value ang nanakit at nang-iwan sa kanya."
Napabunghalit ako ng tawa, maging ang ibang kaklase naming nakarinig sa sinabing iyon ni Claine. Nakangisi naman si Amen, mukhang proud pa.
"Bakit? Tama naman, ah. Bakit ko pa pasasakitin ang ulo ko sa kakahanap ng value ng X, eh, alam ko naman na ang sagot. Wala na siyang value!" Pagbibigay-diin pa ni Amen.
Noon pumasok sa classroom namin si Mrs. Alferez--ang examineer namin.
Nakangiti niyang hinarap ang buong klase. "Tapos ko nang ma-check at ma-i-record ang scores ninyo. Congrats sa mga pumasa! Sa mga bumagsak, bawi sa second periodical, okay?"
Sumingit bigla si Mrs. Tan, ang class adviser namin. "I-aanunsyo ko ang nakuha ninyong scores, para aware kayo kung bakit mababa o mataas ang grades ninyo."
Napuno ng pagtutol ang apat na sulok ng classroom namin. Nangunguna na sa mga kumontra si Amen. Mukhang siguradong-sigurado nga ito na bagsak ito. At ayaw nitong malaman iyon ng buong seksyon.
Pero isa rin yatang pabebe ang adviser namin, walang makakapigil sa kanya.
Nagsimula na niyang isa-isahin ng tawag ang pangalan, kasunod ang mga scores na nakuha nila sa bawat subject.
"Alforque, Benjamin! Out of 50; Science, 39. English, 45. Math, 35. Hekasi. 41. Filipino, 40. Mapeh, 39. Values 46."
"Sabi na eh. Pahamak 'yung Math." Ngunguto-ngutong wika ni Amen.
"Borromeo, Kassandro!" Pagpapatuloy ni Mrs. Tan. "Out of 50; Science, 45. English, 42. Math, 43. Hekasi, 40. Filipino, 47. Mapeh, 40. Values, 44."
Bigla akong hinarap ni Claine, saka mabagal na pumalakpak-palakpak sa harap ng mukha ko, may kasama pang pa-iling iling. Then he mouthed, "wow".
Naiiling na natawa na lang din ako. Then, Claine's name was called.
"Dela Llana, Claine Antonio." Tawag ng adviser namin sa buong pangalan ni Claine. "Out of 50; Science, 39. English, 45. Math, 41. Hekasi, 28? Filipino, 37. Mapeh, 44. Values, 18--"
Biglang tumayo si Claine, nakataas pa ang mga kamay. "Ma'am, stop!"
"What is it, Claine?" ani Mrs. Tan, sumama ang templa dahil sa pag-interup ng kaibigan ko.
"Ma'am, I do believe na may injustice na nangyari. Hindi ko po matatanggap ang scores na nakuha ko. Sure na sure ako sa mga sagot ko, ma'am. Baka lang hindi naintindihan 'nung nag-check ang mga sagot ko." Katwiran nito.
"Okay. Kung may concern ka sa scores mo, you can approach me after lunch, sa faculty. We'll do a re-checking."
Tila relieved pa ang mokong. "Yes, ma'am. Thank you, ma'am."
Nagpatuloy na si Mrs. Tan sa pagtawag sa pangalan ng iba pa naming kaklase. Hanggang sa lumapit siya sa teacher's table at kinuha roon ang pile ng mga answer sheets.
Ibinigay nito iyon sa estudyanteng nakaupo sa pinakamalapit ng mesa nito.
"Paki-balik sa may-ari 'tong answer sheets nila." Mrs. Tan instructed her, si Reese-- ang classmate kong running for Kasipsipan of the school year awarde.
Pero nakailang ikot na yata si Reese sa loob ng classroom namin para isauli ang mga answer sheets sa nagmamay-ari, pero 'yung papel ko, wala pa rin.
Nagsalubong ang mga kilay ko at napatayo. "Teka, bakit wala ang papel ko?"
Pero ni isa wala man lang pumansin sa akin.
---------
Write a comment...
Curious Kace: Anong ginawa mo sa answer sheet ko? 'Di mo naman ginamit pamunas?

YOU ARE READING
Daily Fools
Ficção AdolescenteBrokenhearted si Kassandro sa ex-girfriend niya nang dumating sa buhay niya si Serene--ang babaeng ginawang hobby ang kulitin siya. Mula sa walang humpay sa chat messages hanggang sa pagtawag sa kanya ng 'mahal'. Sa pagkabwiset, binlock niya ito sa...