You're seeing posts from Romanticisms Message Board first.Romanticisms Message Board
Just nowTo Mr. Silent Heartbreaker,
Dear You,Ang lungkot ng araw ko ngayon.
Kasing lungkot ng isang paalam na alam kong hindi na masusundan pa ng pangungumusta,
At kasing lumbay ng pangungumusta na ang kasunod ay pamamaalam..Ang uri ng kalungkutan na dala ng panghihinayang..
Kasi akala ko, sa pamamagitan nitong mga pagtatapat ko, somehow, mapapalapit na ako sa 'yo. Mabubuksan na niyon ang mga mata mong ilang taon ding naging bulag sa presensiya ko..
Ngunit nagkamali ako.
Dahil kagaya ng bagay na mabuti lang sa simula, matamis lang sa umpisa, masaya lang sa una--lahat, nagbabago.
Kasama na ang interes mo. Kaya hindi ka nagkomento sa confession ko kahapon, hindi ba?
Hindi na interesante para sa 'yo, dahil siguro natatandaan mo na ako..
Hindi naman talaga mahalaga sa 'yo ang pag-ibig na meron ako, dahil abala ka sa paghahabol sa nakawalang pag-ibig mo sa iba.Bakit hindi na lang ako?
Bakit hindi na lang tayo, una pa lang. Bakit kinailangang lumiko ang daloy ng tadhana..
Bakit sa tuwing nagpapahiwatig ang kapalaran ng tsansang masimulan na ang ating pag-iibigan, laging may biglang-liko.
Laging nauudlot. Na para bang hindi pa man nagsisimula, winawakasan na.Heto ang isa pang pangyayari ng ating muntikang pagmamahalan.. To our almost..
Kung kailan ko unang naranasan ang lungkot ng panghihinayang. Ang panandaliang kasiyahan. Ang sugat na hanggang ngayo'y hindi pa rin naghihilom..Kung sana lang, nang araw na iyon sa ikalawang taon natin ng sekondarya, hindi lang ballpen mo ang kinuha ko.
Sana sinagad ko na.
Sana pati puso mo, tinangay ko.
Sana talaga...-----
Tipikal na araw lamang ang umagang iyon para sa akin. Maingay. Magulo. Kanya-kanyang umpukan ang mga estudyante. Pero ako, nag-iisa lang.
Dahil sa unang pagkakataon--nagkahiwa-hiwalay kami nila Amen at Claine. Sa ibang section sila napunta.
"Borromeo, Kassandro!" Malakas na pagtawag ng class adviser ng section Courage--kung saan ako napabilang para sa taon na ito.
Si Amen ay nasa section Prudence, habang magkasama naman si Claine at ang crush nitong si Sha sa section Faith."Excuse me," pasintabi ko sa ibang estudyante rin na nagkukumpulan sa bandang harapan ko. Lumapit ako kay Mrs. Ligaya.
"Take the seat next to Ms. Barrameda." instruksyon ni Maam. Kasalukuyan kasi niyang inaayos ang seat plan namin. Alphabetically.
"Uwemji. Hi, Kassandro!" Bati sa akin ni Jasmine. Classmate ko siya last year, though hindi kami close.
Isang tango lang ang iginanti ko sa kanya at naupo na. Pantatluhan ang upuan kada row. Nasa kaliwa ko si Jas. Habang bakante pa ang sa kanan ko. Sana, lalaki ang mauupo doon para may makausap naman ako.
Rinig ko ang patuloy na pagtatawag ni Ma'am sa pangalan ng mga magiging kaklase ko pa sa may pintuan. Hanggang sa napansin kong papasok si Bryce. Hindi ko siya classmate last year pero schoolmate ko siya noong grade school at magka-subdibisyon rin kami.
YOU ARE READING
Daily Fools
Ficção AdolescenteBrokenhearted si Kassandro sa ex-girfriend niya nang dumating sa buhay niya si Serene--ang babaeng ginawang hobby ang kulitin siya. Mula sa walang humpay sa chat messages hanggang sa pagtawag sa kanya ng 'mahal'. Sa pagkabwiset, binlock niya ito sa...