CHAPTER 1

1.9K 330 56
                                    

Dedicate to all readers♥♡

CHAPTER 1

~~~

Kim Kianna's point of view

Gumising ako ng maaga kasi naalala ko ngayun pala ang unang pasok sa eskwela. Hi ako nga Pala si Kim Kianna Park. Gusto Kong tinatawag akong Kianna kesa sa Kim kasi ang baduy ng Kim.Nakatira kami ngayon sa iisang bahay ng mga magulang namin para matulungan daw namin ang isa't isa kaya ayon no choice pero gusto naman namin. May dalawa kaming mga yaya at isang drayber para may magsusundo sa amin at maghahatid. Pumunta muna ako sa kwarto ni Marj para gisingin siya. Kakatok na sana ako ng biglang bumukas ang pinto.

"O, bat nandyan ka at di pa naliligo?" biglang bungad sa akin ni Marj nang pumunta ako sa kwarto niya.

"Gigisingin sana kita pero ayan gising kana pala. Sige gigisingin ko muna si Rea kasi malamang tulog pa 'yon pati narin si Jazz." sabi ko Kay Marj at tumalikod sa Kanya. 'Di pa ako nakakalayo narinig ko nanaman boses ni Marj.

"Ako na ang gigising kay Rea kasi alam kong 'di ako mahihirapam na gisingin siya at ikaw na kay Jazz kasi mahirap yung gisingin lalo pa ngayon na pasukan na."sabi ni Marj sakin. Wala na akong nagawa kasi tumakbo na siya matapos sabihin sa akin 'yun.

Pagkarating ko sa kwarto ni Jazz ay sinubukan ko kaagad na pihitin ang door knob pero ayaw bumukas. Aba! Malamang sa malamang ayaw magpadistorbo ng isang 'to kaya wala akong nagawa kundi ang sirain ang door knob niya. At nang makapasok ako ng tuluyan ay nakita ko pa siyang nakahilata pa sa kama niya at halatang natutulog parin. Ginising ko siya pero ayaw pagising kaya no choice ako kundi ang sumigaw at magdadabog. 'Kala niya ah. Pahirapan pa ang isang 'to.

"Sunog, sunog. May sunog." pagkatapos kong isigaw yun ay bigla siyang tumayo.

"Saan! Saan? Tara lumabas na tayo baka madamay pa tayo sa sunog. " sabi niya at tumawa ako ng malakas. Praning ang isang 'to kaya nakakatawa. Haha.

"Bakit ka tumatawa!? Niloloko mo na naman ako no!?" sabi niya at 'di pa ako tumitigil sa pagtawa hanggang sa sinamaan niya ako ng tingin kaya napatigil na ako. At bigla siyang naging seryoso.

"Anong ginagawa mo dito?" bungad niya agad sa akin pagkatapos niya akong samaan ng tingin.

"Pumunta ako dito para gisingin ka." sabi ko sa Kanya.

"Wow. Successful ang plano mo. Nagising ako ehh." sarkastikong sabi niya. Magsasalita pa sana ako ng biglang may magsalita.

"Papasok kayo o hindi! Kanina pa kayo nagdadaldalan diyan. May balak paba kayo na pumasok Parang wala na." biglang sabi ni Marj. Sumagot nalang ako.

"Ang aga pa kaya. Anong oras naba? " sagot ko kay Marj.

"It's already 6:30 ng umaga at 7:00 pasok natin kaya magsiayos na kayo para makakain na tayo at makapasok nadin." sabi naman ni Rea na ikinagulat namin ni Jazz.

"Ano!?" sigaw namin pareho ni Jazz.

"Ayan kasi magdadaldal pa. Ayan 'di na ninyo namalayan ang oras." sabi ni Marj. Bigla namang nagsalita si Jazz.

"Magsilabas na nga kayo. Mag-aayos na ako. Bilis!" sigaw ni Jazz at sinipa kami palabas.

Lumabas nalang kami kasi sumigaw na si Jazz at baka mapagalitan pa kami. Pumunta na kami ng kusina para kumain na at si Jazz nalang ang hinihintay. 'Di nagtagal nakita na namin si Jazz na papababa na at kumain na kami. Pagkatapos kumain ay niligpit na namin ang pinagkainan nami at pumasok na kami sa sasakyan.

Oo may sasakyan kami bawat isa pero mas pinili nilang tatlo na sumabay sa akin kasi 'di sila marunong mag drive. Psh bibili ng sasakyan 'di naman marunong mag drive kaloka. Haha.

Bad Boys Falls For Good GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon