CHAPTER 10

739 173 0
                                    

CHAPTER 10

♡ Kianna's POV ♡

Inabot na sila ng isang minuto pero di pa 'rin sila nagsasalita. Nilingon ko naman kaagad kung napa'no na  sila.

Nakatunganga at natulala silang tatlo na nakatingin sa akin. Natapos na pala nila 'yung ililigpit nila pero di ko nahalata. Aish.

"Napa'no kayo diyan tatlo?" naguguluhan kong tanong sa kanila. Ayon sa wakas natauhan na 'rin ang kaninang walang imik.

"Sure ka ba talagang tinulungan ka niya?" di makapaniwalang tanong ni Marj.

"Oo Marj. Di mo man lang ba narinig na kinakausap niya ako habang nagpapa quiz si Mrs. Tadle?" tanong ko sa kanya.

"Hindi kasi medyo malayo- layo 'yung upuan mo sa akin kasi one seat apart 'yun eh. Paanong nakakausap ka niya?" nagtatakang tanong niya pa 'rin.

"Ewan do'n nagulat nga ako na kinakausap niya ako at binigyan ng mga sagot eh parati tayong inaapi no'n kasama ang kaibigan niya." sagot ko. Buti nalang at di kami nahuli ni Maam kanina na binibigyan niya ako ng sagot kundi na guidance na kami at wala pang makukuhang score kay Maam. Alam niyo na kung sinong 'NIYA' ang tinutukoy ko.

"Oo nga. Buti di kayo nakita ni Maam na naglalandian--- este nag- uusap." biglang pagsingit ni Rea at nang lingunin ko siya ay mababakas sa mukha niya ang nakakalokong ngisi.

"Buti nga 'yun at saka huwag ka ngang ngingisi- ngisi dyan ah. 'Yang utak mo madumi." sabi ko.

"Actually wala namang masama kung gano'n nga ang ginawa niya. First of all jowa mo naman siya kahit utos lang niya. Haha." nakangising pagsabat rin ni Jazz. Mga walangya to ipinaalala pa 'yung pangyayaring 'yun.

" 'Wag niyo nalang ipaalala sa akin ang pangyayaring 'yun. Nakakairita eh. At saka parang wala lang naman 'yun sa kanya eh. Di na niya ako kinukulit. Tumigil na siguro." sabi ko sa kanilang dalawa.

"Mabuti pa nga. Tara na sa locker para maiwan na natin 'tong pabigat na mga libro sa'tin." sabi ni Rea.

"Sa inyo lang pero di to pabigat 'tong akin." as usual yan talaga ang sinasagot ni Marj kapag nasasabi namin na pabagit sa amin ang mga libro. Well niyayakap pa niya ang mga libro niya na parang nanakawin namin. Hell no! Di namin gusto magbuhat- buhat ng libro.

"Fine. Tara punta na tayo sa locker para ilagay ang mga libro at ibang gamit natin at nang makauwi na tayo sa bahay." sabi ko nalang at tinalikuran sila. Agad naman silang nagsisunuran.

Pagkarating namin sa sasakyan ay agad kung pinaharorot ang sasakyan pauwi sa bahay namin. Mabilis naman kaming nakarating. Nagpaumuna nalang akong umakyat para magbihis sa unipormeng sinuot ko. Pagkatapos magbihis ay bumaba narin ako at para sana magluto nang nagulat nalang ako na nagpadeliver na ang tatlong 'to.

"Oh ba't nagpadeliver kayo ng ulam?" takang tanong ko. Ako kasi 'yung magluluto ngayon dahil sa scheduling namin.

"I guess tatamarin ka ngayon at di ka magluluto kaya nagpa deliver nalang kami para di magutom." pangangatwiran ni Rea.

"Okay fine tara kain na tayo." sabi ko nalang kasi nagugutom narin ako at medyo inaantok.

Tama nga si Rea kasi wala talaga akong ganang magluto ngayon. Tinatamad ako.

Kumain lang kami nang kumain nang biglang may nag doorbell. Nagprisinta naman si Jazz na siya nalang daw ang magbubukas.

Nagulat nalang kami nang ang mga taong di namin inaasahan ay nandito sa aming harapan ngayon at may dalang kung ano-ano.

"Kumain na pala kayo?" tanong ni Nash.

"Yes kumakain palang 'yung exact word. Bakit?" sabi ni Rea.

Bad Boys Falls For Good GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon