CHAPTER 26

686 58 7
                                    

CHAPTER 26

KIANNA POINT OF VIEW

"Good Morning world." masayang bati ko ng gumising ako. Tumingin agad ako sa alarm clock ko at kanina pa pala 'yon tumutunog. 7am na, inaantok parin ako. Parang hinihila pa nga ako ng kama eh. Anong oras pala kami natulog kagabi? Well, nevermind.

Pumasok agad ako sa banyo. Binuksan ko agad ang shower para makaligo na ako. Binuksan ko ang shampoo at naglagay ako ng kunti sa kamay ko at 'tsaka nilipat sa buhok. Todo kuskos pa ako sa mahaba kong buhok habang dinadama ang daloy ng tubig sa katawan ko. Lumayo ako ng konti sa shower para pabulain na ang shampoo. Kinuha ko din ang liquid soap ko at ipinadaloy ko ito sa buong katawan ko. Pagkatapos ng pagsabon ko sa katawan ko, lumapit agad ako sa shower at dinadama ulit ang pagbuhos ng tubig mula dito.

Pagkatapos ng pagligo ko ay agad kong kinuha ang tuwalya sa gilid at ginamit ito upang pampunas sa basang katawan ko. Nagsuot agad ako ng roba at lumapit sa sink. Nag toothbrush pa ako bago tuloyang lumabas sa banyo.

Pumasok agad ako sa walk-in-closet ko para maghanap ng masusuot na damit. Isang fitted jeans at off-shoulder top. Kumuha rin ako ng underware syempre!

Dahil wala kaming klase ngayon at event lang ang sasalubong sa 'min, syempre 'di na ako mag aaksaya na mag uniform tutal pwede namang hindi na muna sa araw na ito at bukas.

Lumabas agad ako at nakasalubong ko na si Jazz mula sa kwarto din niya. Sabay na kaming bumaba ng hagdanan at dumiretso sa kusina. Naghahanda na ang dalawa ng agahan namin. Kasalukuyan nilang inilalagay ang plato at baso sa mesa.

Nang mapansin nila kami, agad na lumingon sila sa 'min at binati.

"Good Morning Kianna," masiglang bati ni Marj. Maganda talaga ang umaga ng isang 'to ah? I wonder why. "Good Morning Jazz." pagpapatuloy na pagbati niya. Syempre binati rin namin siya ni Jazz.

"Good Morning." sabay na bati naming dalawa.

Suddenly, we are being interrupted by the voice of the serious one.

"Umupo na kayo. Kakain na tayo." mahinahon na sabi ni Rea. As usual, 'di talaga mahihimigan kung masaya ba siya sa paggising niya o ano. Sinunod nalang namin siya, baka 'di kami pakainin eh.

Tahimik na naman ulit kaming kumakain. Ewan ko ba ba't ganito nalang lage. Wala siguro sa mood para magsalita habang kumakain.

Mabilis akong kumain. Nagtataka man ang kanilang mga mukha na nakatingin sa 'kin, binilisan rin nila ang pagkain. Nagligpit agad kami pagkatapos kasi 7:30 am na, sure na sure ako na nagsisimula na ang opening ceremony do'n.

Ako ulit ang nag drive para sa aming lahat. 'Di na ako nagreklamo tutal ako lang naman ang marunong magmaneho sa aming lahat. Para na nga akong driver nila 'pag magkakasama kami eh. Mga mayayaman naman pero 'di pinagkakatiwalaan ng mga parents sa ganitong gawain.

Ipinark ko kaagad ang sasakyan sa isang bakanting slot sa parking lot. Medyo crowded ngayon ang school due to the event we are now celebrating. Invited ang lahat ng school sa mga manonood at sa mga visitor kaya mukhang punong-puno talaga ang parking lots everywhere. Bongga diba? Ganito daw 'pag merong event dito sa school sabi ng mga napagtanungan namin.

Dumiretso agad kami sa gymnasium para umattend ng opening ceremony. As expected, punong-puno talaga ang gym dahil sa dami ng studyante sa school na 'to at meron namang konting taga ibang schools. Humanap nalang kami ng mga kaibigan ko ng mauupuan at sa kasamaang palad, malapit pa kami sa gawi ng isang bitch na fiancee daw ni Generay. As usual, kasama niya na naman ang dalawang alipores niya. Sino pa ulit 'yon? Well! nevermind, I'm not interested.

Bad Boys Falls For Good GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon