CHAPTER 19

640 110 16
                                    

CHAPTER 19

REALYN POV

Nagising ako ng maaga. Mas nauna pa nga ako sa tunog ng alarm clock ko eh. Pumasok agad ako sa banyo para maligo. Kanta ako ng kanta habang binubuksan ko pa ang shower. Pagbagsak ng tubig sa katawan ko ay kanta parin ako ng kanta, parang walang pakialam kung may makarinig man. 'Di naman pangit 'yung boses ko eh, pero 'di rin sobrang maganda, parang sakto lang. Ito ang parati kung ginagawa kapag mag- isa lang ako kasi nahihiya akong kumanta kapag may kasamang iba kahit mga kaibigan ko pa ay hindi nila alam na marunong akong kumanta.^_^

Pagkatapos kung maligo ay kinuha ko agad ang towel at ipinunas ko agad sa katawan ko. Sinuot ko agad ang roba at lumabas na sa banyo. Nag lotion naman ako para hindi magdry 'yung balat ko. Pagkatapos ay sinuot ko na agad ang uniform ko at lumabas. Nakita ko narin na pababa na ang tatlo. Mukhang maaga ring nagising ang mga ito.

Pagpunta namin sa dinning area ay nakahanda na sa mesa ang mga pagkain. Sino naman ang gumawa nito eh halos magkasabay lang kaming bumaba?

"Maaga akong nagising kaya ako na nagprisintang magluto ng mga ito." biglang bungad ni Kianna. Nasagot naman niya kung anong nasa isip ko.

"Umupo na nga tayo, nagugutom na ako eh." pag- aaya ni Jazz. Kahit kailan talaga ang takaw ng babaeng 'to.

Umupo naman kami at nagsimulang magsandok ng kanin at kumuha ng ulam. Kain lang kami ng kain at kwento naman ng kwento si Marj tungkol sa date daw nila kahapon.

Tumingin naman ako sa wallclock at maaga pa naman pasado 6:00 am pa.

Pagkatapos naming kumain ay mabilisan namang iniligpit ni Marj ang mga pinagkainan namin at iniwan nalang muna sa lababo na naka banlaw na pero hindi pa nasasabonan.

Lumabas na agad kami ng bahay. Sinigurado talaga ni Kianna na sarado na ang bahay bago pumunta sa sasakyan niya. Binuksan ko naman agad ang gate para makalabas na ang sasakyan niya. Bigla namang pumarada sa harap ng gate namin ang isang magarang sasakyan, kung 'di ako nagkakamali ay isa itong Lamborghini. Bumaba naman ang wind shield ng sasakyan at do'n nakita ko ang may- ari nito. 'Di na ako magtataka na kahit menor de edad palang siya ay may sasakyan na kasi mayaman naman siya, katulad ko pero 'di ako pinayagang magmaneho kasi super paranoid ang parents ko. Tss.

"Good morning sweetie." malambing na bungad sa akin ng pretend boyfriend ko, si Nash.

"Good morning." pagbati ko rin. Naka face palm lang ako. Bigla naman siyang nagkunot- noo na tumingin sa akin.

"What?" naiirita ko kunyareng sabi.

"Ba't walang sweetie? Wala ka talagang sweetness 'no?" nagpout naman siya bigla. Grr. Naiinis talaga akong tawagin siyang sweetie. Napaka arte naman no'n. Psh.

"Pakialam mo? Eh tayo lang naman dalawa. Ang usapan natin ay sa harap lang ng iba. Nakalimutan mo na?" masungit kong sabi. Parang nag- iisip naman siya. Hello? Nakalimutan na niya ang rules? Ilan taon naba 'to? Makakalimutin kasi eh. Psh.

"May gano'n ba? Sorry nakalimutan eh." bigla siyang nagkamot ng ulo. Psh. Babaero pero madaling nakakalimot. 'Di na ako magtataka kasi pabago- bago ng babae eh.

"Nevermind. Bakit ka nandito?" masungit kong tanong. Nakacross arms pa ako para damang- dama.

"Pati rin ang sunduin ang girlfriend ko bawal na?" nakapout na nagtatanong. Ba't panay pout nito? Nakakadiri eh. Eww.

"Hindi naman. Pero sana 'di kana nag- abala, kaya ko namang pumunta sa paaralan." mahinahon ko nang sabi.

"Eh sa gusto kitang sunduin, may magagawa kaba?" nakangiting sabi niya sa akin.

Bad Boys Falls For Good GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon