CHAPTER 14

688 147 6
                                    

CHAPTER 14

♡ Kianna's POV ♡

Isang linggo na simula ng nangyaring sagutan nila Charles at Marj sa cafe-teria kaya magkaayos na sila ngayon. Sweet na naman sa isa't- isa ang dalawa kaya mukhang wala ng problema. No'ng nakaraang linggo kasi ay parating 'di nakakapag-concentrate sa pag- aaral si Marj dahil sa nasaksihan niya pero 'di naman pala totoo.

So ngayon ay araw na ng lunes at nandito na kami sa loob ng room para mag- aral. Ano pa nga ba? Hihi.

Pumasok na si Mrs. Tyler kaya sandali namin siyang binati at pinaupo na niya kami. Another thing with Mrs. Tyler ay siya ang adviser namin.

"So there will be an English festival this coming Friday. So who is willing to participate for the quiz bowl and quiz bee category in this section?" agad na tanong ni Maam pagkatapos niya kaming pinaupo. By section kasi ito at kung sino ang mananalo ay sila ang ipapadala para maging represen-tative sa gaganaping Division Meet English Festival.

"Maam I nominate Charles and Marjorie because they are the most intelligent in this section." sabi ng kaklase namin na 'di ko namalayang nakatayo na pala.

Namula naman ang mukha ni Marj. Kinikilig ang bruha.

"Okay. Mr. Laurence and Ms. Dy is it okay to the both of you if you are the one who will be joining the contest?" pangungunperma ng guro namin.

"Yes Maam." sabay nilang sagot. Well kailan pa tumanggi ang dalawang 'to eh kaya naman nilang makipag patalinuhan sa mga 'yon eh matatalino rin 'tong dalawang ito eh.

"Okay it is settled then. Kayo na ang representative ng section na ito. Galingan niyo para makasali kayo sa Division meet." nakangisi niyang sabi.

Pagkatapos ng kan'yang pamimili ay nagsimula na siyang mag discuss. Well nakinig ako ngayon kasi baka magpapaquiz siya gaya ng dati at hindi nga ako nagkamali kasi pinakuha niya agad kami ng isang buong papel. Nakasagot naman ako kaya thankful akong nakinig ako. Hihi.

Natapos na agad ang pang- umagang klase at bigla nalang kaming pinasok ng President ng Student Council namin na sobrang gwapo pero well sorry I'm naturally attracted because I prefer bad boys. kasi may iaannounce daw siyang isang bagay.

"Good morning fellow students. I am your President in Student council and I'm here to announce to all of you that we will having a big event which is the English festival. The choices are Quiz bowl and Quiz bee. So do you have already a representative in this section?" malumanay na inilantad niya ang kanyang pakay. Tumayo naman kaagad and dalawa.

"Kami po." sabay na sabi ni Charles at Marj na nakataas pang sabi.

"Come with me. Magpaparegister kayo at may sasabihin pa ako sa inyo kasama ang mga katulad niyong representative din." sabi ni President at pinadasahan kami ng tingil lahat at lumabas na kaagad. Sumunod naman ang dalawa at kumaway nalang sa gawi namin bilang pagpapa- alam.

Nang nakalabas na sila ay nag- iingay na naman ang mga malalanding kaklase ko at kanya- kanyang harutan. Lumabas nalang kami tutal lunchbreak na naman kaya patungo na kami ng cafeteria. Actually kasama namin ang boys kaya ayon panay pacute na naman si Nash kay Rea kahit tinatarayan 'to. Buti natitiis ni Nash si Rea. Tss.

Share ko pa ba sa inyo? Okay. Kagabi ko ngayon si Generay habang naglalakad kami kasi gusto niya lang wala naman akong magagawa kahit 'di na kami mag Jowa. At paglingon ko naman sa gawi nina Jazz at Franklin ayun parang nandidiri sa isa't- isa at ang layo ng distansya parang kalahating metros. Asaran at barahan parati kaya minsan ang isa sa kanila ay napipikon. Pag- uumpugin ko kaya mga ulo nila kasi nakakairita at ang ingay. Hanggang sa nakapasok na kami sa cafeteria at pinaghanap nalang kami ng table at sila na daw ang bahala sa pag- oorder. Panay reklamo pa si Jazz at sa huli nag- away na sila ng kaasaran niya kaya sinigawan ko nalang sila na tumigil at sumunod naman.

Bad Boys Falls For Good GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon