CHAPTER 3

1K 253 8
                                    

CHAPTER 3

Kianna's POV

This is it we will going to submit our group project kaya ang aga kung nagising. Tinignan ko ang wall clock sa kwarto ko at 4 palang nang umaga.Nauuhaw kasi ako kaya bumaba ako sa kwarto ko patungo sa kusina para kumuha nang tubig. Pagkababa ko nakita ko kaagad si Marj na nakaupo sa lamesa habang hinahawakan ang basong may laman na tubig. Ang lalim nang iniisip niya para nangang malulunod ka eh sa lalim. Ano kaya ang iniisip nito matanung nga.

"Marj anong iniisip mo?" Bigla kung natanong. Nagulat siya sa bigla kung pagsulpot.

"Nakakagulat ka naman Kianna at saka wala akong iniisip." sabi niya sa akin.  Halata na nga di pa umaamin. Hays nako ewan ko ba dito sa mga kaibigan ko.

"Halata ka na nga di pa umaamin.  Ano ba kasi yun?" pa sarkastiko kung sabi.

"Iniisip ko Lang naman kung magugustuhan ni ma'am ang project natin." mahinahon niyang sabi.

"Magugustuhan yun tiwala Lang, at saka sinabi niyang own opinion kaya bakit di niya magugustuhan?" seryoso kung sabi.

"O cge na maghahanda na ako para mamaya kasi may pasok tayo ayaw ko pa naman maranasan ang malate." parang natatawa niyang sabi.

"Gigisingin na kaya natin muna yung dalawa bago tayo maghahanda tutal di naman tayo ang magluluto ng makakain natin kasi meron tayong yaya. " pabiro kung sabi.

" Gaya kahapon, ako parin ang gigising kay Rea at ikaw naman Kay Jazz." sabi niya. Kahit kailan talaga ayaw niyang siya ang gigising Kay Jazz kasi ayaw niyang mahirapan.

"Okay, now let's go." sagot ko.

Naglalakad na kaming dalawa ni Marj papunta sa kwarto ng dalawa. Ito na naman baka mahirapan akong gisingin si Jazz kasi ang himbing kung matulog non. Pinihit ko na ang doorknob at himala bumukas ito hindi niya na nilock ano kaya ginagawa nito. Pagkabukas ko nakita ko kaagad si jazz na nakaupo sa Kama niya at tumitingin sa labas.

"Jazz anong ginagawa mo?" tanong ko sa Kanya. Kaya bigla siyang napaharap sa akin.

"Tumitingin sa labas." sarkastiko niyang sabi.

"Hindi yan ayan ka na naman eh binabara mo na naman ako. Ang ibig kung sabihin ay anong tinitingnan mo sa labas?" pagpapaliwanag ko sa aking sinabi para di na ako mabara.

"Tinitingnan ko Lang ang pagsikat nang araw. Pangalawang araw natin sa paaralan na yun." sagot niya.

"Ngayun natin ipapasa ang project na pinagawa ni ma'am kaya maligo Kana nang makakain na tayo at para pumasok na sa paaralan." sabi ko.

"O sige na lumabas Kana Go at maliligo na rin ako ." pagpapaalis niya. Ay ang bongga pinaalis ako cge nalang nang makapaghanda na yung babaeng yun.Maliligo narin ako.

***

Tapos na akong maligo kaya bumaba na ako at pumuntang kusina. Pagkarating ko doon ay nakahanda na ang mga pagkain at nakaupo Narin sila Marj sa upuan nila. Tumabi na ako Kay Marj at nagsimula nang kumain.

***

Papasok na kami sa eskwelahang pinapasukan namin ngayun matapos ihatid kami ng driver namin. Naglalakad kami sa corridor nang pinagtitinginan kami ng mga babae dito. Kung dukutin ko kaya ang mga mata nila kung makatitig wagas ha. Di nalang namin pinansin ang mga nagtitinginan na mga babae sa amin masasanay din kami. Pumasok na kami sa room namin. Hanggang dito ba naman pinagtitinginan parin kami. Gosh iba nato.Buti nalang pumasok na si Ma'am Serina. Himala ata ang apat na lalaki ang aga pumasok ngayun.

"Good morning class. Submit your project now."tumayo si Marj at ibinigay kay ma'am ang project namin. Pinagtatawanan si Marj nang mga kaklase namin at nagbubulungan.

Bad Boys Falls For Good GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon