CHAPTER 11

687 159 6
                                    

Dedicated to those person who supported me in continuing this story.  ^_^<3

____________

Chapter 11

♡ Generay's POV ♡

Papasok palang kami ng bawat kotse namin ay bigla nalang nagsalita si Franklin.

"Charles ano nang plano mo?" pambabasag katahimikan ni Franklin.

"Ang ano ba?" tanong naman ni Charles sa kanya.

Humarap naman kaming dalawa ni Nash sa kanila.

" 'Yang pagpapanggap mo na gusto mo yang si Marj pero ang totoo ay gusto mo lang siya maging Jowa para maidistract siya sa pag- aaral niya at di ka niya malalamangan. Diba yan ang plano mo diba?" sagot naman ni Franklin.

" 'Yun naman talaga ang plano ko eh. Effective naman kasi nang nakaraan ay lumiit ang mga puntos niya at mukhang di na niya mukhang naifofocus 'yong atensyon sa pag- aaral kasi minsan niyayaya ko siya para di siya nakakapag advance study." paliwanag niya dito.

"Di kaba nagkakagusto sa kanya?" tanong naman ni Nash.

"Duh di ko siya type no. Pinagtatyagaan ko lang yan para makuha ko ang gusto ko." sagot naman niya. "Eh ikaw ba jan 'dre nagkakagusto ka naba do'n sa kaibigan niya?" tanong ni Charles kay Nash.

"Why? Wala namang masama kung magkagusto ako sa isang 'yon eh maganda naman." pagsagot niya dito.

Nanatili lang akong tahimik na nakikinig sa kanila. Di parin kami sumasakay sa bawat sasakyan namin.

"Ulol lokohin mo lola mo eh di ka naman nagkakagusto sa babae kahit kailan para ngang sa isang araw ay may iba't- ibang babae ka." nakasmirk na sabi ni Franklin kay Nash.

"Panira ka talaga eh." bagot na sagot sa kanya ni Nash.

"Jowa mo na pala 'yun. Taray mo napasagot mo siya?" namamangha namang sabi ulit ni Franklin.

"Ginamitan ko ng the best kung line eh ayun nahulog." natatawang sagot ni Nash. Loko talaga 'to di nalang magtino. Di na ako magugulat kung isang araw magtitino ito dahil sa isang babae.

"So it means di mo talaga siya talagang gusto?" tanong ni Charles.

"Akin nalang 'yun." sagot niya.

"Ano magdadaldalan nalang ba kayo at di na uuwi?" seryoso kong sabi.

"Ay nandyan ka pa pala? Akala ko umalis kana, di ka kasi nagsasalita." nagbibirong sabi ni Franklin.

"Tara na nga tama na daldalan niyo dyan. Uuwi na tayo." sabi ko at pumasok na sa loob ng kotse ko.

Habang nagbabyahe ako naisip ko ang mga pinag- uusapan nila. Yes. Plano talaga ni Charles 'yun kay Marj para maidistract nga ito sa pag- aaral para di siya nalalamangan. Hays.

Di nagtagal ay nakarating na ako sa balay at bigla akong sinalubong ng bunso kong kapatid.

"Hi kuya bakit ngayon kalang eh gabing- gabi na? Saan kaba galing?" takang tanong niya.

"Diyan lang sa tabi- tabi. Wag kanang tanong ng tanong." blanko kong sabi at umakyat na sa kwarto ko.

Ano kaya ang gagawin ko bukas eh wala namang pasok? Hays bahala na nga bukas. Sasabihin ko nalang sa kanya na itigil na namin ang utos kong maging girlfriend ko siya eh di naman pala siya naiinlove sa akin eh. Nabobore lang kasi ako no'n kaya naisipan ko 'yong sabihin. Para narin mapalapit ako sa kanya. Oo tama kayo may gusto ako sa kanya simula pa no'ng first day of school kasi naaatract ako sa personality niya eh. Pero di ko muna ipahalata sa lahat baka malaman niya at iwasan ako.

Bad Boys Falls For Good GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon