CHAPTER 17

631 129 0
                                    

A/N: Sorry kung ngayon lang ako nakapag update medyo wala akong ganang magsulat sa nakaraang araw kasi wala akong maisip eh. Ito na po ang update ko para sa araw na ito.

Enjoy reading this part and don't forget to vote or comment if you like.^_^♡

________________

CHAPTER 17


♡ Charles POV ♡

I am thinking a hundred times if I am already inlove with her but I don't really expect I am falling into my own trap. Imbis na siya ang maiinlove sa akin ng todo dahil 'yun naman talaga ang pakay ko para ma distruct siya sa pag- aaral pero, bakit naging ako? Well love is also playful at the same time. I am not surprise after all.

Habang nag d-discuss si Mrs. Tadle, panay sulyap lang ako sa magandang mukha ni Marj. I admit it, I am falling for this girl. What did she do to me to feel this way? 'Di na ako nakapag focus sa pakikinig sa guro namin kasi alam ko na ang mga sinasabi niya dahil napag- aralan ko na 'yan kaya wala akong dapat ikabahala kung magpa surprise quiz siya. Geez.

Pero masaya ako ngayon kasi buti nalang at bati na ulit kami kasi para akong nawalan ng gana na kumain kanina sa cafeteria dahil sa nakita ko siyang parang nagseselos sa kababata kong babae. Kahit plano ko lang siyang i distruct sa pag- aaral kaya ko siya jinowa pero parang ang nagyayari ay ako ang nadidisctruct.

Sa araw- araw naming pagkikita at paminsan- minsang pagd-date, mas nahulog pa ang loob ko sa kan'ya. Well 'wag na nating pag- usapan ang feelings ko. Sa susunod na. Hihi>_<

Bigla akong nabalik sa ulirat ng bigla akong lingunin ni Marj. Nagpanggap naman akong tumingin kay Maam pero nahalata niya parin ako. Ayts.

"Kanina ko pa nararamdaman na may nakatingin sa akin. And confirm meron nga. Bakit ka nga pala panay tingin sa akin. 'Di ka ba nakikinig d'yan?" nakangising bungad niya sa'kin.

"Anong tinitignan kita? Kay Maam ako nakatingin uy at nakikinig rin ako." pagsisinungaling ko pero 'di parin siya naniniwala. Chos!

"Sus umamin ka na nga na tinitignan mo ako at 'di ka rin nakikinig. Wala namang masama eh girlfriend mo naman ako." bigla naman siyang namula sa sinabi niya. Ang cute niya talaga.

"Oo na nga. Tinitignan na nga kita at 'di narin ako nakikinig kay Maam. Bakit pa ba ako makikinig d'yan eh alam ko na 'yan?" pagmamayabang ko. Bigla naman siyang tumawa. 'Yung mahina lang para 'di kami mapagalitan. Mahirap na terror pa naman 'yan.

"Ang yabang ah. Ako nga nakinig parin kahit alam ko na ang mga pinagsasabi ni Maam." pagmamaya-bang rin niya. Oo na matalino 'din siya kaya siguro unti- unti rin akong nagkagusto sa kan'ya.

"Sus e mas matalino pa ako sayo eh." pagbabalik kong pagmamayabang. Inirapan naman ako. Aba!

"Oo alam ko namang mas matalino ka eh kaya 'wag ka nang mayabang d'yan. Kainis ka!" pagsusungit niya sa akin. Nilambing ko naman siya.

"Sorry na 'wag ka ng magsungit d'yan." 'di rin ako matitiis nito panigurado. Haha.

"Oo na. Basta 'yung date mamaya ah 'wag mong kalimutan." See? 'Di siya makakatiis. Ngumiti naman ako na parang umabot pa sa tenga.

"Okay." sabay halik ko sa noo niya.

Muntikan na kaming mahuli ni Maam buti nalang at nakapag- ayos kami agad ng upo kung hindi alam niyo na.

'Di rin ako nagkamali, nagpa quiz talaga si Maam pero kami ni Marj 'di kami nahirapan. Ano pa nga ba?

Pagkatapos ng quiz namin ay nagpaalam na agad si Maam. Pumasok na naman agad ang susunod na guro, guro namin sa Math. Nagdikit naman ito kaagad ng Chart sa board na may mga ipapasolve.

Bad Boys Falls For Good GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon