CHAPTER 30

315 25 25
                                    

CHAPTER 30

KIANNA POINT OF VIEW

Tinulak ko kaagad siya at sinampal. Wala siyang karapatang halikan ako!

"Ang kapal mo namang halikan ako ah! Wala ka namang karapatan!" sigaw ko sa kanya pero nakatingin lang ito sa akin at hinahawakan pa talaga ang nasampal kong mga pisngi niya. Yes! Mga pisngi kasi kanan at kaliwa pa 'yan! Buti nalang walang tao kasi malayo pa naman ang susunod na subject kaya hula ko ando'n pa ang mga tao sa Cafeteria o sa Canteen.

"I'm sorry. 'Di ko lang napigilan." paumanhin niya na nasa akin parin ang mga mata.

"Di kita mapapatawad Blake. Tara na nga Marj at Rea, may walanghiya dito eh." sabay irap ko sa kanya at nilampasan siya. Nagpaumuna na akong umakyat kasi nawala ang magandang mood ko! Litseng tao 'yun ah!

Padabog agad akong umupo sa upuan ko. Nagulat pa sa kilos ko si Jazz pero wala akong pakialam. Wala ako sa mood magpaliwanag.

Mabilis lumipas ang oras. Nagsipasukan na ang mga kaklase ko mula sa lunchbreak namin. Naghintay pa kami ng karagdagang isang minuto bago pumasok ang guro namin ngayon.

"Good afternoon class." striktang bati niya. Tumayo naman agad kaming lahat sa takot na mapagalitan. "Stand straight Ms. Dela Vega!" asik niya ng makitang nakayuko ang kaklase kong sobrang maarte.

"Okay Maam. Sorry po." paghihingi nito ng paumanhin at inirapan si Mrs. Tadle. Buti 'di ito nakita kasi paniguradong detention 'to.

"Okay again. Good afternoon class?" seryosong pag-uulit.

"Good afternoon Ma'am." sabay-sabay na bati naming lahat sa kanya.

"You may take your sit. Mr. Perez! Sit properly! Wala ka sa labas kaya matuto kang sumunod sa tamang pag-upo!" asik na naman ng ginang. 'Di talaga makasabi ng mahina eh 'no? Kailangan pagalit talaga? Ewan sayo ma'am.

"Okay so now, I will group you into Four groups. You will select your respective leader in your assign group. Count one to four starts with you Mr. Salazar!" paliwanag niya sabay turo ang kaklase kong lalaki sa harapan.

"One." pagsisimula ni Joshua.

"Two." sumunod naman si Clarisse, 'yung pabidang kaklase ko. Napairap nalang ako.

"Three." ani Jane.

"Four." sinundan ni Shaniya.

Sunod-sunod na agad ang counting hanggang sa makarating ito sa akin.

"Two." walang kabuhay-buhay na bilang ko. Syempre sinundan agad ng katabi ko.

"Three." pagbibilang ni Marj.

"Four." ani Rea.

"One." nakasimangot na bilang ni Jazz. Alam ko na ang iniisip nito. "Walangya! 'Di tayo magkasama Marj!" mahinay asik ni Jazz. Napailing-iling nalang ako dahil para talaga siyang nabagsakan ng langit at lupa. Palibhasa, 'pag napasali siya sa grupo ni Marj, wala na siyang gagawin. Utak rin nito may sira.

"Buti nga sayo." pabalang na sabi ni Marj. "Tamad kasi kaya inilayo kana sa'kin. Haha." dugtong pa niya.

Natawa naman si Rea pero ako parang wala lang. Wala talaga ako sa mood!

'Di ko na namalayan tapos na pala magbilangan kaming lahat. Para lang binabalik kami ni Ma'am sa grade one ah!

"Okay. Since tapos na kayo magbilangan, dito uupo ang lahat ng one." sabay turo ni ma'am sa kaliwang bahagi ng unahan. "Dyan naman ang two." sabay turo niya dito sa gawi namin sa kaliwang likuran kaya 'di ko na kailangan pang lumipat! Thanks God. "Dito naman ang three." sabay turo ni Ma'am sa kanang bahagi ng unahan. "At ang Four, dyan kayo." sabay turo niya sa kanang bahagi sa likuran.

Bad Boys Falls For Good GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon