CHAPTER 6

819 207 5
                                    

CHAPTER 6

Kianna's POV

Biglang tumunog ang aking alarm clock kaya gumising na ako. Pumasok na ako sa cr ng aking kwarto para maligo na. Pagkatapos kung maligo ay nagbihis na ako ano paba. Tiningnan ko ang orasan ko. It's 5 in a morning kaya Pala ang ginaw nong naligo ako. Wala akong magawa kasi paniguradong tulog pa ang mga yun kaya pumunta na akong kusina. Pagkadating ko don ay nakita ko na kaagad ang mga yaya namin na nagluluto at nag aasikaso para sa aming umagahan ng biglang may tumawag sa akin. Tiningnan ko kaagad ang phone ko at si Daddy yung tumawag.

"Hello Dad." sabi ko.

(Kumusta kana OK kalang ba diyan?) pag aalala niyang sabi.

"OK Lang ako." sagot ko.

(Bukas pupunta ako diyan at sabihin sa inyo sa gusto ko kayong maging independent at kukunin ko ang mga yaya niyo diyan at driver para matoto kayong mag aasikaso ng kayo Lang.)

"Pero Dad?! Hin-- " reklamo ko. Ano bayan di pa ako pinapatapos magsalita at tatanggalan kami ng mga yaya? Tinatamad nga kaming magluto eh.

(Walang pero pero pupunta ako diyan bukas ng umaga kasama ang mga magulang ng best friends mo at kukunin namin sila. Maliwanag?) sabi ni Daddy.

"Okay." yan nalang nasabi ko kasi wala naman akong magagawa eh at pagkatapos kung sabihin yun ay binabaan ko na agad para iparating na di ko talaga gusto. Hays! Ang malas talaga oh.

Okay mahirap na ito. Kailangan naming matoto kung paano magluto.Kinausap ko ang isa sa yaya namin dito para magpaturo.

"Yaya paano po magluto turuan mo naman ako." sabi ko.

"Bakit po ma'am nandito naman kami ang magluluto para sa inyo?" sabi ni yaya.

"Sabi kasi ni Dad kukunin daw nila kayo para maging independent kami tuluyan yung kami ang nag aasikaso para pumasok at kami ang gagawa ng gawaing bahay!" padabog kung sabi at  nakasimangot.

"Sige tuturuan kita para pagdating ng Daddy mo dito at kunin kami ay marunong kanang magluto." excited na sabi ni yaya.

"Salamat yaya. Mamaya mo na ako turuan may pasok pa kami eh."nakangiti kung sabi Kay yaya.

"Sige-sige ihahanda ko na ang umagahan niyo." sabi ni yaya.

Umupo na ako sa upuan ng lamesa at di nagtagal ay bumaba narin ang mga kaibigan ko na nakasimangot ang mga mukha. Alam ko na kung anong nangyari sa kanila kagaya ko ganon din ang naging reaksiyon ko nong nalaman ko na kukunin na nang parents namin ang mga yaya namin at driver. Umupo nalang sila nang may pagkabad trip.

"Kainis naman kukunin na nila yung mga yaya natin eh di naman tayo marunong magluto. Pano nayan?" Inis na sabi ni Rea.

"Oo nga kainis naman eh!" pagsang-ayon na sabi naman ni Jazz.

"Wag na kayong mainis Jan. Magpaturo nalang kaya tayo ila yaya para matuto din tayo." sabi ko.

" Oo nga kesa mainis tayo magpaturo nalang tayo. Mamaya pag uwi natin deretso tayo dito sa bahay at magpaturo kung pano magluto bukas pa naman sila kunin eh." sabi naman ni Marj.

"OK. Pwede naba tayong pumasok?" bungad ni Jazz.

"Anong oras naba?" sabi ko.

"6:40 am na baka Malate tayo. Diba 7:00 Pasok natin?" Sabi ni Rea.

"Tara na ano pang hinihintay niyo." sabi ko at lumabas kaya wala silang nagawa kundi ang sumunod sakin.

Sumakay na kami sa kotse ko at ako na ang nag drive. Oo mayroon akong kotse kasi niregaluhan ako ni daddy nong 13th birthday ko at  marunong nadin akong mag drive kasi tinuruan nadin ako ni Daddy kaya ito natuto na ako. Habang nagmamaneho ako ay tahimik parin yung tatlo. Nakaupo sa passenger sit si Marj at yung dalawa nandon sa likuran. Kala ko ba ok na sila at di na nila proproblemahin yung sinabi ng mga magulang namin. Matanong nga kung napano sila.

Bad Boys Falls For Good GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon