CHAPTER 28

350 35 9
                                    

CHAPTER 28

KIM KIANNA POINT OF VIEW

Hatak-hatak parin kami ni Jazz habang papunta sa garden na sinasabi ni Charles. At first naligaw pa kami dahil sobrang laki ng bahay nila, pero in the end nahanap rin namin dahil sa malakas na sounds mula sa naglalakihang mga speakers. Halata talagang nagsasaya ang mga tao dito kasi napaka buhay na buhay ang paligid.

Nang makarating na kami sa garden, sinuyod ko kaagad ang mga mata ko sa kabuohan ng lugar. Malaki ang garden at maraming nagsasaya. Meron rin pool na malaki na which is nagpalaki sa mata ko. Sinong mag-aakala na ang garden nila dito ay may pool?

"Expected the unexpected." biglang bulong ni Marj malapit sa tenga ko. Sumulpot lang ito basta-basta galing sa pinangalingang lugar. Nginitian pa ako sabay punta sa harap nila Rea at Jazz.

"Andito ka lang pala Marj eh. Kanina ka pa namin hinahanap." pagmamaktol ni Jazz pero ang totoo hindi naman talaga totoong hinahanap si Marj kasi enjoy na enjoy na siya sa pagkain. Matakaw talaga.

"Tara sa bar island, may hinanda akong inumin natin. Kanina ko pa kasi kayo hinihintay ah!" pag-aaya na may kasamang pagtataray.

"Kumain ka na ba? Pahirapan ka pang makita ah!" asik ni Rea kay Marj.

"Kanina pa no'ng 'di pa kayo nakakarating." sagot niya habang nakangiti na. Napailing-iling nalang ako dahil ang bilis mas shift ng mood eh. Iginala ko narin ang paningin ko ulit habang sumusunod sa kanila.

Tinuro agad ni Marj ang lugar kung saan nakapwesto ang maraming alak. Nagpaumuna pa siyang pumunta ah. Kailan pa kaya 'to natutulong uminom ng mga gan'yan? Sa natatandaan ko, parang ito lang ang unang beses na nakapunta 'to sa mga ganitong kaganapan.

"Marj! Kailan ka pa natutong uminom?!" pasigaw ko kasi nagsimula nang umingay ang paligid kasi nilalakasan na ng DJ's 'yong kantang pinapatugtog.

"Ngayon lang!" sigaw rin niya pabalik para maintindihan ko rin.

"Ngayon lang?" pasigaw ko na may halong pagtataka.

"Oo ngayon lang! Sinusubukan ko lang kasi ngayon lang ako nakaranas nito! Tara na!" malakas na sabi niya at inaya kami papalapit sa itinuro niya.

Nagtataka naman kaming tatlo dahil sa dami ng wines at liquor ang nakahanda sa harapan.

"Inorder mo lahat 'to?" nagtatakang sigaw ni Rea kay Marj para marinig agad nito.

"Oo, bakit bawal ba?" masungit na sagot ni Marj.

"Oo bawal! Kasi may pasok pa tayo bukas!" sermon ni Jazz.

"Ano ba kayo? Ba't ang KKJ niyo! Minsan lang 'to oh, tapos ngayon ko lang naranasan kaya go na!" nakangiting sigaw niya sa amin. May balak ba 'tong magsaya o maglasing? Minsan talaga ang hirap unawain ng mga taong matalino. Psh.

"Sige na nga pagbibigyan na nga natin 'tong si Marj mukhang gustong matry talaga ang buhay normal!" nakangiti kong pag-sangayon para matigil na ang daldalan.

"Aba loko ka Kianna. Kailan pa naging abnormal ang buhay ko?" masungit niyang asik sa 'kin. Nginitian ko lang siya ng pagkalapad-lapad at sumagot.

"'Di ako ang nagsabi niyan ah. Palibhasa, puro libro nalang ang kaharap! Buti nga naisipan mong sumubok sa mga ganito." pabalang kong sabi. Napangiwi naman siya.

"Sige na! Sige na! Tigil na guys. Tara inuman na!"masiglang pagsingit ni Jazz at inaya na kami dahilan para simulan na namin ang kasiyahan. Ani pa ni Marj, Minsan lang 'to kaya lubos-lubusin na.

Bad Boys Falls For Good GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon