CHAPTER 20

550 88 2
                                    

CHAPTER 20

Kianna POV

Iniwan ko na 'yong kaklase naming si Amber. Ayan kasi eh, sisimulan ang away, 'di naman kayang ipanalo. Tsk.

Naglakad ako papunta sa gawi nila Rea at Jazz kasama si Marj na 'di na maipinta ang mukha dahil nahihirapan na siyang hawakan ang mga pagkaing binili namin. Nagugutom ulit kasi kami nito kaya dumaan muna kaming dalawa sa malapit na Cafeteria dito at bumili. Pinauna na namin si Jazz kanina para hanapin ang luma-lovelife na si Rea. Ibang-iba ang status ng relationship nila ni Nash sa relationship status nila Marj at Charles. Kasi 'yong sa kanila kasi ay nakikita ko namang totoo base sa kasweetan nila at wala akong napapansing kakaiba. Sa kanila Marj at Charles naman ay may limitasyon. Ewan ko ba ba't 'di pa nila totohanin eh napapansin ko rin naman na nahuhulog na sila sa isa't-isa. Dami talagang palabas 'tong mga 'to, buti nalang kami ni Jazz ay 'di na sumubok muli.

Natagalan ang guro namin sa first subject kaya ng pumasok ito ay almost time na. Sinabi rin naman niya na malapit na ang contest na sasalihan ng representative namin. Remember the school English Festival? Yeah! 'Di naman siguro kayo nagka-amnesia diba? Psh.

Natapos ang pang-umagang klase namin. Puro anouncement lang ito sa gaganaping English Festival kasi lahat daw kami ay magpapakabusy sa oras na 'yon. Ewan ko ba bakit 'yon ang inaalala nila eh 'di naman nila subject. Taray din ah! Psh.

Inayos na namin ang mga gamit namin ng mga kaibigan ko. Ngayon ko lang napapansin na 'di pala pumasok ang mga mayayabang ngayon kaya pala tahimik ang room namin. Walang tilian, bulungan at sigawan. Buti naman kung gano'n, gusto ko ng katahimikan. Haha.

Pero curious lang ako, bakit kaya 'di pumasok ang mga 'yon? Ay ewan.

"Napapansin ko lang, Ba't kaya wala 'yung apat?" bungad ni Jazz saka turo sa apat na upuan sa likuran namin.

"'Di naman pumasok. Gumigimik ata." sagot ko habang nasa bag ang paningin ko.

"Hindi rin. Kasi kasabay namang pumasok ni Rea 'yung Nash niya kaya nagtataka ako kung bakit 'di pumasok ang mga 'yon." may pahawak pa sa kanyang sintido si Jazz. Kaloka! Ang drama nito.

"Ang sabihin mo, miss mo lang 'yong isa sa kanila!" pang-aasar ko. Ayaw pang umamin eh! Halata naman. Tss.

"Anong miss ka d'yan? Masaya kaya ako kasi walang nang-aasar at napipikon ngayon!" pagdedepensa niya sa sarili. Tawa ng tawa naman si Marj at Rea sa gilid habang inaayos parin ang mga gamit nila. Sinamaan naman sila ng tingin ni Jazz pero 'di sila tumigil. Tawa rin ako ng tawa kasi halatang nagsisimula ng mapikon si Jazz.

"Sige! Asarin niyo ako sa impaktong 'yon! Kainis naman eh!" inirapan pa kaming tatlo sabay walk-out niya dala ang mga kayamanan niya. See? Pikon rin 'yan kaya perfect match talaga sila ni Franklin. HAHA.

Lumabas na kami ng room at kasalukuyang naglalakad kaming tatlo sa hallway papunta sa locker area dito sa school. Walang masyadong ingay kaming narinig dahil hindi naman pumasok ang mga hinahangaan nila. Seriously?! Hinahangaan talaga? Mga bulag sila ano? Isama niyo narin ang dalawa kong bestfriends! HAHA.

Binuksan ko ang locker ko at inilagay ang mga librong gamit ko. Yes! Libro 'yan! Nagsisimula na akong magbasa para 'di nakakahiya kung wala akong masagot sa quiz, baka sabihin pa ng isang mokong na 'yon na siya lang ang inaasahan ko sa sagot. Masasabu-nutan ko talaga siya. Tsk.

Dumiretso na kaming tatlo sa Cafeteria para kumain na ng lunch at para narin hanapin ang nagwalk-out na pikon kanina. Defensinve kasi eh, napaghahalataan tuloy. Rawr.

Papasok palang kami ng Cafeteria. Natanaw narin namin si Jazz na nakaupo sa isang mesa malapit sa counter na kumakain. Aba! Gano'n ba kalaki ang epekto sa kan'ya ng pang-aasar ko? 'Di man lang kami hinintay na kumain. Aba! Makasarili pala 'to kapag naasar! Kaloka lang! >_<

Bad Boys Falls For Good GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon