CHAPTER 21

515 73 9
                                    

CHAPTER 21

Kianna POV

"Nga pala guys! Bakit kaya 'di pumasok ang apat na 'yon?" bungad ni Jazz habang pinapaandar ko pa ang sasakyan.

"Aba! Malay namin! 'Di naman kami sinabihan eh!" sarkastiko kong sabi. Napangiwi naman ang labi niya.

"Aba! Marunong ka nang mambara ngayon ah?" inirapan niya rin ako. Aba! Sinagot ko lang naman ang katanungan niya ah! Talagang 'di namin alam! Kaloka 'to. –_–

"Nevermind." inirapan ko din siya. 'Kala niya ah! Grr.

Itinuon sa harapan ang panigin. Minaneho ko na ang sasakyan ko. Naririnig ko parin ang boses ni Jazz sa likuran at kinakausap ang dalawa.

"Diba Rea hinatid ka naman ni Nash kanina? Ba't 'di kaya siya pumasok?" pangungulit niya. Tinignan ko naman sila sa rear mirror ko. Nakakunot na ang noon ni Rea. Naiirita na siya sa pangungilit ni Jazz sa kan'ya.

"Pwede ba Jazz 'wag mo na akong kulitin? 'Di ko rin alam!" inis na sagot ni Rea. See? Maliit lang ang pasensya niyan. Natahimik naman sandali si Jazz saka bumaling kay Marj. Pupusta ako! Kukulitin na naman niyan si Marj kasi 'di siya nakakuha ng sagot kay Rea. Psh.

"Marj? 'Diba nag tetext si Charles sayo kanina? Wala ba silang sinabi kung bakit 'di sila pumasok?" nakapuppy eyes pa ang luka-luka! Nangunot naman ang noo ni Marj.

"Wala naman siyang sinabi sa'kin na 'di sila makakapasok." sagot ni Marj.

Sumabat naman ako sa kanila.

"Alam mo Jazz, halata ka eh. Sabihin mo nalang na hinahanap mo si Franklin, kakaloka ka! ayaw pang umamin." mahinahon kong pang-aasar habang nasa harapan ang paningin.

"Anong hinahanap si Franklin?! Hell no! Curious lang ako 'no!" inis niyang sagot sa'kin. Lumaki naman ang ngiti sa labi ko.

"Ganyan kasi pag gusto mo eh, 'di mo kayang mawala sa paningin mo." nakangising sabi ko. Natahimik naman siya. Tinignan ko naman ang mukha niya sa rear mirror at ayon ang gaga nakaiwas na ang tingin! Sabi na eh! Halata kasi masyado. Takte!

'Di nagtagal ay nakarating na kami sa bahay. Dumiretso naman ako sa kusina kasi biglang bumalik ang gutom ko at binuksan ang ref. Takte! Nakalimutan ko talaga kanina na nagugutom pala ako kasi dada ng dada si Jazz tungkol sa apat. Kakalokang babaeng 'yon, gusto pa talaga pa mysterious, eh halata naman! Letche!

Kumuha ako ng isang box ng cupcakes without knowing kung kanino 'to. Tutal nasa ref naman, kaya isa lang ang  ibig sabihin nito,  saming apat ito. Tsk.

Kain lang ako ng kain. Wahh! Ang sarap naman nito! Saan kaya binili 'to ng mga kaibigan ko? Hmm.

"Andito ka lang pala, Ano 'yang ki--," nanlaki ang mata ni Marj habang titig na titig siya sa kinakain kong cupcake na malapit nang maubos."Wahhhh!! Ba't mo kinain 'yan Kianna?!" gulat niyang tanong. Ano bang meron sa cupcake na 'to?

"Bakit ba? Nakalagay sa ref eh, tsaka nagugutom ako." tatangkain sana niyang agawin sa'kin ang dalawang natira pero nailayo ko na ito.

"Bakit mo kinain 'yan Kianna eh binigay sa'kin 'yan ni Charles kagabi!" inis niyang sabi. Aba! Malay ko bang binigay pala 'to ng nobyo niya? Kaloka.

"Mukhang masarap eh! 'Di ko naman alam na bigay pala 'to sayo ng magaling mong pretend boyfriend. Sorry." saka ko ibinigay sa kan'ya ang natira. Well! No choice naman siya kun'di tanggapin 'yon. Haha. Nakain ko na eh! Sorry siya. Psh.

"Wala na naman akong magagawa eh, nakain mo na alangan namang bawiin ko pa? Kadiri! Ewww!" at sabay kaming natawa.

Kinain niya nalang din ang natitira. Tumatawa na nga kami ngayon eh! Haha. >_<

Bad Boys Falls For Good GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon