CHAPTER 13

671 148 2
                                    

I will dedicate this to the person who passionately incourage me to continue this story. Lovelots >_<<3

_______________

CHAPTER 13


♡ Marj's POV ♡


I am stuck in my position right now with Jazz. Nakatitig parin ako sa taong 'di ko inaasahan na lolokohin ako. What did I do to make him cheat with me? Kahit pa sabihin nating dare na 1 month lang kaming mag Jowa pero it doesn't mean that he will cheat behind my back. 'Di pa natatapos ang 1 month na sinasabi niya kaya wala siyang karapatang manlandi ng iba. Akala ko talaga iba siya pero now I know that he is now one of those bullshit boys who are hungry for women. Tutulo na sana ang mga luha ko habang nakatitig sa lalaking kinamumuhian ko na ngayon ng bigla akong lapitan ni Jazz at aluin.

"Stop crying in front of everybody Marj. I have once experience being cheated and trust me I know how it feels." nalulungkot na sabi sa akin ni Jazz. Knowing Jazz kahit maloko at mapambara yan, maunawain at mapagmahal parin 'yan.

"But I can't. He is the only person that I ever inlove with but he cheated with me behind my back and I know that this is just a damn dare. I shouldn't fall at first." naiiyak kong sabi. 'Di ko na talaga kaya pa. I'll break down any moment. Mabilisan naman akong inilayo ni Jazz sa restaurant na sana ay kakainan namin pero 'di natuloy bago pa lumandas ang paningin ng taong kinasusuklaman ko sa gawi namin. Nakita ko talaga si Charles na hinahalikan ang kamay ng babae at ngumiti pa siya rito. Napakasakit talaga ng ginawa niya.

"Tara na Marj uuwi na tayo. 'Di na tayo mag go- grocery kasi wala ka na sa mood ngayon." sabi ni Jazz at pumara ng taxi.

Una niyang isinakay ako at sumunod siya. Sinabi niya rin ang address ng subdivision namin at mabilis kaming inihatid do'n.

Mabilis naman kaming nakarating sa bahay namin at marahas kong binuksan ang pintuan ng taxi at iniwan si Jazz do'n kasi nagbabayad pa siya. Dala- dala ko parin ang pina-mili kong libro kanina at dumiretso ako sa kwarto ko. Nakasalubong ko rin ang dalawa pero 'di ko sila pinansin. Nagtataka na ang dalawang 'yon kung bakit naging snob ako at di sila pinansin. Naninibago na 'yun panigurado. Inilock ko kaagad ang pintuan ng makapasok na ako sa loob ng kwarto ko. I immediately put my purchased books in my study table and sit on the chair. I continue what I was doing inside the mall. I cry even harder to show what I am feeling right now. I am emotionally broken because of what he did to me. Actually I didn't expect after all na magagawa niya sa akin 'yun. I did fooled with my own impression. Matalino pa naman pero natatabunan rin pala ng kalokohan. 'Di naman kasi siya tulad ni Nash na mahilig sa babae pero napapansin kong parang tumigil na ito mambabae simula ng mapansin kong naging sila ni Rea. So ano 'to lumipat sa kanya ang espirito ng kalandian ni Nash? Damn him.

Patuloy ako sa pag iyak at 'di ko na namalayan na pasado alas 7 na pala ng gabi at 'di ako nakababa para maghapunan. Bahala na nga 'di naman ako nagugutom kahit wala rin akong kinain kaninang tanghali dahil sa nasaksihan kong 'di kanais- nais sa mga mata ko. Pinapaliwanag na siguro ni Jazz ang nangyari sa akin kung bakit 'di ko sila pinapansin kanina. Well what do you expect with Jazz? 'Di yan natataguan ng sikreto eh kaya malalaman mo nalang na alam na pala ng iba pang kaibigan mo.

Dahil sa sobra kong pag hihinagpis ay nakatulog na ako dahi napagod na ako. Kinabukasan ay 'di ako nagising sa tunog ng alarm clock ko kundi sa ingay ng pinto. Bigla naman itong sinipa ng pagkalakas- lakas ng kung sino at biglang bumukas ang sira ko nang pinto. Pumasok naman si Kianna at tumabi sa akin.

"I know what happened yesterday." bungad niya sa akin. Ano pa bang aasahan ko kay Jazz?. Tss. "But that doesn't mean you have to absent from our class today. May assignment tayong dapat ipasa sa terror na lecturer natin ngayon kaya maghanda kana d'yan dahil malapit nang mag 7." sabi niya at walang sabi- sabing iniwan ako sa kwarto ko.

Bad Boys Falls For Good GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon