CHAPTER 25

588 64 7
                                    

CHAPTER 25

MARJORIE P.O.V

NANG mapansin kong gabi na pala ay bumaba na ako sa kwarto. Nakatulog na pala ako mula sa mga isipin ko kanina.

Nakahanda na ang mga pagkain sa hapag ng dumiretso ako. Gumagawa nalang ng juice si Kianna sa dulo ng table namin. Nakaupo narin ang dalawa kaya alam kong ako nalang ang kulang.

"Oh buti naman at bumaba kana. Uutusan ko pa sana si Jazz na akyatin ka eh." bungad ni Kianna ng lingunin niya ako. Lumingon naman agad si Rea sa akin at ngumiti maliban kay Jazz na ang sama-sama ng titig niya kay Kianna. Oh problema na naman ng dalawang 'to?

"Uutusan mo ako pagkatapos ng akusasyon ko kanina?" inis na sabi niya kay Kianna.

Napapailing na lang kaming dalawa ni Rea sa dalawa. 'Di paba tapos ang bangayan nitong dalawa? Kanina pang tanghali 'yon ah?

"Eh totoo namang ikaw ang malikot eh. Pinapasa mo lang sa 'kin para safe ka." ani naman ni Kianna sa kan'ya.

"Pwede ba! Tigilan niyo na ang awayan niyo dalawa. Andito tayo sa harap ng pagkain oh, tapos mag-aaway pa kayo? Babatukan ko kayo d'yan eh!" banta ni Rea sa dalawa. Ayon natahimik naman ng makitang seryosong-seryoso talaga si Rea sa banta niya. Iiling-iling naman ako habang tumabi kay Kianna. Wala eh, takot 'tong dalawang 'to sa tigreng si Rea.

Tahimik lang kaming kumakain at nagpapakiramdaman. Natahimik talaga ang lahat dahil sa banta ni Rea kanina.

"Nga pala guys. 'Yung plano natin, tuloy pa ba 'yon?" binasag ni Rea ang katahimikan. Nagtataka naman kaming tumingin sa kan'ya at tila tinatanong siya gamit ang titig lamang.

"I mean. 'Yung usapan natin tungkol sa mga bwesit na 'yon. Tuloy pa ba?" pag-uulit niya. Bigla ko namang naalala agad.

"Sorry nakalimutan ko na. Ano nga ulit ang pinag-usapan natin?" nagtataka parin si Jazz habang tinatanong kami kung ano 'yon.

Sinabi ko naman sa kan'ya lahat ng pinag-usapan namin simula nong nasa Cr kami hanggang sa nagtanong-tanong na kami kung kani-kanino tungkol sa apat.

"So ano tuloy paba?" pag-uulit muli ni Rea.

"Tuloy pa syempre. Pero pa'no na 'yan, eh jinowa niyo na ang dalawa?" ani Kianna.

Nagkatinginan naman agad kami ni Rea. Ngumiti naman agad siya ng nakakaloko na tila ba ay may naiisip na plano.

"Ba't ka ngumingiti d'yan?" tanong ko sa kan'ya. Nilipat niya naman ang paningin sa dalawa na naghihintay lang ng sagot.

"Plano ko lang 'yon 'yung tungkol sa amin ni Nash Kianna. Sinunggaban ko ang offer niya para kahit papaano ay may makalap akong ibang impormasyon tungkol sa kan'ya." nakasmirk niya sagot sa aming tatlo. Pambihira! 'Di namin nahalata ang move niya ah.

"So it means 'di talaga kayo? Ba't ang sweet mo sa kan'ya kung gano'n?" naguguluhang tanong ni Jazz. Well 'di ko rin 'yun napansin na parte 'yon ng plano niya ah. Para kasing totohanan. Haha.

"Walang kami. Pretend lang din 'yong sa 'min. 'Di namin gustong ipaalam pero dahil kaibigan ko kayo, sinabi ko nalang."

"Talaga?" manghang-mangha talaga si Jazz, paulit-ulit rin parang 'di talaga nagsasawa. "Ba't ramdam na ramdam namin na kayo talaga?" 'di parin makaget-over ang gaga. Bugbogin ko kaya 'to? One time lang. Tsk.

"Lihim nga nila 'di ba? May lihim ba na ipinapahalata? Psh." asik ko sa kan'ya. Nginusuan naman agad ako ng gaga.

"Sorry naman sad'yang 'di lang ako makapaniwala." sarkastiko niyang sabi 'tsaka inirapan ako. Aba! Kailan pa niya ako ginagan'yan? Sabunutan ko 'to ng agaran kung 'di ko talaga 'to kaibigan. Tsk. Tsk. →_→

Bad Boys Falls For Good GirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon