After the dinner ay umuwi na din kami. Nag usap- usap lang sila tungkol sa kasal ni Kuya. When Mom asked Sam, titingnan niya muna ako bagao siya sumasagot. She's very comfortable when I'm around.
Time flies so fast. It's been two months nung pinag- uusapan namin ang kasal ni Kuya at ngayon ay kasal niya na agad. Atat magpakasal bwisit. Ako sana ang kukuhain nilang bridesmaids but I refused. Gusto ko lang maging bisita. Dami pang churva na ginagawa kapag nasa secondary sponsors ka. Tsk!
Lumabas ako ng kwarto ko. I'm wearing peach off shoulder maxi dress and paired it with black stilettos and peach pouch. Mahaba naman ang dress ko kaya hindi na ako nag- abalang pumili ng heels. I just only wear light make up.
"Sasabay sa'yo si Gio." Sabi ni Kuya sa'kin. I just rolled my eyes.
"Bakit?" Sabi ko.
"Nauna na ang Papa niya at sabi ko sa kanya ay sa'yo na lang sumabay." Sabi niya.
Bumaba na ako sa hagdan at pinasunod si Gio papunta sa kotse ko. Sumakay kami doon.
"You have a nice car." Saad niya.
Hindi ko siya sinagot at pinaharurot ang kotse. Nang makarating kami ay ako ang unang bumaba. Sumunod naman siya. I really hate weddings.
"Asan na ang kuya mo?" Tanong ni Mommy.
"Nandun pa din." Sabi ko at umupo na sa upuan.
Maya- maya ay dumating na sila. Sinimulan na ang kasal at ako naman ay nakinig lang. Lumalabas din sa kabila kong tenga ang mga pinagsasabi ng pari.
"You may now kiss the bride." Sabi ng pari.
Hinalikan ni Kuya si Samantha. Kung makahigop naman to, akala mo naman kung ano.
Nang matapos mag picturan ay sumakay na ako sa kotse ko at nauna na sa reception. Nagulat ako nang paglabas ko sa kotse ko ay nakita ko si Travis.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at pinag pawisan ako ng malamig.
"Beatrix" tawag niya.
Humarap ako sa kanya at hindi sumagot.
"Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko? Bakit hindi ka nagrereply sa mga text ko?" Tanong niya nang makalapit sa'kin.
"Bakit kailangan kong sagutin yang mga tanong mo?" Sabi ko.
"Kasi nagtatanong ako. I'm very confused. Akala ko kung ano na ang nangyayari sayo. Concern lang ako sayo." Sabi niya.
"Bakit ka ba naco- concern sakin?! Ha?! Wala namang tayo! Wala naman tayong label! Wala tayong relasyon! Putangina naman, Travis! Pinapaasa mo lang ako!" Sigaw ko.
"Bakit? Kailangan bang maging tayo, magkaroon tayo ng label o magkaroon tayo ng relasyon para maging concern ako sayo? Kaibigan kita kaya magiging concern ako sayo." Sabi niya. "Hindi kita pinapaasa, ikaw lang ang umaasa."
"Bullshit!" Sigaw ko sabay sipa sa kotse niya.
Tumakbo ako papunta sa CR ng hotel. Pumasok ako sa isang cubicle at umiyak nang umiyak.
Tangina! Ang sakit! All this time akala ko gusto niya ako. Kaibigan lang pala ang turing niya sa akin. Ang galing mo kasi, Beatrix. Umasa ka kasi.
"Hello po. Okay lang po ba kayo?" Tanong ng batang nasa labas at natanto kong kakilala ko ang boses na yun.
"O- okay lang ako." Sabi ko at pinunasan ang luha ko.
"Mama Bea?" Sabi niya. I knew it!
Lumabas ako ng cubicle. Niyakap niya ako. Matangkad ako kaya hanggang tuhod ko lang siya.
"I know po na hindi kayo okay. Kanina ka pa po umiiyak. Tara po. Punta po tayo kay Papa." Sabi niya.
"Tara na." Sabi ko.
Humiwalay siya sa'kin at kinapitan ang kamay ko.
"Wait lang pala, mag- aayos lang si Mama." Sabi ko.
Kinarga ko siya at pinaupo sa gilid ng lababo. Tinanggal ko na ang make up ko. Nag pulbo at nag lipstick na lang ako.
"I want to try that one." Saad ni Bri sabay turo sa lipstick ko.
Nilagyan ko siya ng lipstick sa kanyang labi. Binaba ko siya at umalis na kami doon. Tinuro niya sa'kin ang daan papunta sa kung nasaan si Timothy. Pumasok kami sa isang opisina at nakita ko doon si Timothy.
He's with his unusual messy hair. He's wearing his suit and tie attire and busy with this paper works.
"Hey!" Bungad ko.
Tumingin siya sakin at nanlaki ang kanyang mga mata.
"Papa, Mama Bea was crying kanina." Saad ni Bri.
"Brianna, can you leave us? Doon ka muna kay Ate Les." Sabi ni Timothy sa anak.
"Opo!" Masiglang sagot ni Bri at umalis na.
Umupo ako aa visitor's chair ng opisina niya.
"Nakaka- istorbo ba ako–"
"No. Bakit ka umiiyak kanina?" Sabi niya.
"W- wala." Sabi ko.
"Ano ang totoo? Ano ang totoong dahilan kung bakit umiiyak ka kanina?"
"Wala nga." Sabi ko at lumunok dahil ngayon ko lang narinig ang tonong iyon galing sa kanya.
"You're so full of your pride. Beatrux naman! Just tell me the reason. Huwag mong pairalin ang pride mo kung masakit na talaga." And that hits me.
Double kill na ba 'to?
"Concern lang ako, Beatrix."
Putanginang concern yan! Pinaasa na ako niyan.
"Concern din sa'kin si Travis." Sabi ko.
"He's concern to you? Eh bakit umiyak ka?"
"Umasa kasi ako! Akala ko gusto niya ako. Akala ko may kami pero wala pala. He's very concern. Tinanong ko siya kung bakit. Kaibigan niya daw ako kaya ganon siya kaconcern. Putangina. He even asked me if kailangan pa ba ng relasyon para maging concern siya."
Natahimik siya. Lumapit siya sa'kin at lumuhod sa harap ko. Hinimas himas niya ang likod ko at doon na ako napahagulhol. Whenever I'm with Timothy, wala na akong pakialam kung anong gawin ko and I don't know why.
He hugged me tight and I suddenly felt that I have someone to lean on. Whenever I'm in my worst, he's always there.
"Tahan na." Sabi niya at hinalikan ang buhok ko.
"Timothy, why are you always by my side? Baka masanay ako." Biro ko.
"Sinabi ko nga sayo diba? Hindi sa lahat ng pagakakataon ay nasa tabi mo lang ako. You should always take care of yourself." Sabi niya at lalong humigpit ang yakap ko sa kanya. "I'll leave. Babalik ako ng Indonesia with Brianna."
BINABASA MO ANG
Simula Pa Nung Una // (Completed)
RomanceBeatrix Javillo never settle for the less. Hindi siya pumapayag sa kahit na ano. Lagi niyang iniisip ang kapakanan ng sarili niya at kalinisan ng pangalan niya. Beatrix fell for one man. Hindi siya pumayag na magkaibigan lang ang turingan nila sa i...