Kabanata 26

63 3 0
                                    

Pumunta na kami sa pangalawang palapag ng bar na iyon at nandoon pala ang mga VIP rooms. Pumasok kami sa isang nandoon at tahimik doon. Jazz music lang at ang pagtama lang ng mga wine glass ang naririnig doon.

Sinalubong kami ng ilang mga lalaking naroon.

"Hey, dude! Congrats!" Saad ng isang mas matangkad kay Timothy.

"Its a miracle!" Saad naman ng isang chinito.

Ang blonde haired na lalaki ay nakipag- kamayan lang kay Timothy. Ang isa naman na lalaki ay nakaupo lamang, katabi ang dalawang babae at nakaakbay ito sa dalawa. Lahat silang lalaki ay pamilyar ang mga mukha sa akin.

"Thank you so much. This is Beatrix. I bet you know her." Sabi ni Timothy at tumingin sa akin.

Makikipag- kamayan sana ang chinito ng biglang tapikin ni Timothy ang kamay nito.

"Easy, dude. You're possesive." Sabi ng chinito at tumawa. Bumaling ito sa akin at sinabing, "I'm Stephen Toyoda."

"Nice meeting you." Saad ko.

I remember that he's a president of a famous Motor corporation that manufactures different kinds of vehicles  worldwide. 

"I'm Quade Severin," Sabi naman ng mas matangkad na lalaki kaysa kay Timothy, yung unang nag- approach sa amin.

"A president of a famous laboratory, right?" Sabi ko sa kanya.

"Yeah," Sabi niya at umiwas ng tingin, humble.

Humarap naman sa akin ang may blonde na buhok at ngumiti.

"I'm Groff Dupuy," Sabi niya.

"Nice meeting you also." Sabi ko sa kanya at ngumiti.

"And that is Tyrell Gerson, babaero." Sabi  ni Stephen, napatawa ako dahil doon. "Sige na, umupo na kayo. Order what you want, my treat."

"Ay grabe naman, hapon! Sa wakas! Nanlibre ka din!" Saad ni Groff habang tumatawa.

"Shut up!" Sigaw ni Stephen.

I just ordered light drinks kasi ayaw ko ding malasing, I'll work tomorrow.

Ang gabing iyon ay punong- puno nang pag- uusap at tawanan. Kinwento nila sa akin na naging magkakaibigan sila dahil sa bar na 'to.

"We are all finding a woman here to dance with instead we found ourselves being friends with each other." Kwento ni Quade at tawang- tawa sa naalala.

"Our reactions are so funny when we find out that we are CEOs." Sabi naman ni Stephen at tumawa.

"How did you find time for each other?" Sabi ko sa kanila, nakikihalubilo.

"We don't find time, my wife, we make time." Sabi ni Timothy at kumindat sa akin.

"May kikwento pa ako—"

"Ang daldal mo Quade, isa ka pa, hapon. Ang daldal niyo." Maawtoridad na sabi ni Tyrell na nakaputol sa sasabihin sana ni Quade.

"Pake mo ba?" birong sabi ni Stephen at lahat sila'y nagtawanan. "Kahit kailan talaga ang KJ mo."

Sininghalan lang ito ni Tyrell. Nagpatuloy sila Quade sa pagkwento tungkol kay Timothy.

"The first time he cried was when you left, nagwala pa siya nun." Sabi ni Stephen at tumawa.

"Shut up, hapon!" Sabi ni Timothy at ngumuso ng konti, natawa ako sa reaksyon niya. "It's not funny but it's true, my wife."

"Okay, Calimlim." Sabi ko.

Nagtawanan silang lahat except kay Tyrell at kinantyawan si Timothy. Nagpatuloy sila sa pag- usap- usap. Maya- maya ay napahakay na ako. Napatingin ako sa relo ko at napagtantong maga- alas onse na ng gabi.

"Uwi na kami. Inaantok na misis ko." Sabi ni Timothy.

Nagpaalam kami sa isa't isa. Umuwi na kami ni Timothy. Sa sasakyan pa lamang ay ramdam ko na talaga ang matinding antok.

"Sleep, my wife." Sabi ni Timothy.

Para akong asong sinunod agad ang utos niya. Pinikit ko ang aking mata at natulog na.

I know that this day is so tiring at the same time sobrang saya. Hindi ko alam na ganito ang magiging takbo ng araw na 'to. Everything is a surprise, very unexpected.

Pagkaumaga ay pumasok na ako sa trabaho kahit puyat. Nakalimutan ko pa lang kausapin si Timothy, hayst. Nang makatungtong ako sa palapag kung nasaan ang opisina ko ay lahat ng empleyado ay nagkakagulo.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ko sa mga empleyado.

Lahat sila ay natahimik nang marinig ang boses ko. Lahat sila ay napatingin sa akin at tinuro ang opisina ko. Pumasok ako doon at nakita doon si Fayre na nakaupo sa upuan ko, nagsisigarilyo pa.

Nang makita ako ay tumayo siya at lumapit sa akin. Mas matangkad siya sa akin kaya tiningala ko siya para maglebel ang tingin namin sa isa't isa.

"Goodbye, heaven and welcome to hell, Beatrix." Sabi niyanat ngumisi.

Lumapit siya sa table ko. Tinapon ang sigarilyo sa harapan ko habang nakatalikod siya. Harap- harapan, tinanggal niya ang pangalan ko sa mesa.

Beatrix Javillo, CEO

at pinalitan iyon ng gintong signboard, na pulo ang sulat. Nakasulat dito ay,

Fayre Javillo, CEO

Nanlaki ang mata ko dahil doon.

"Gulat na gulat, Beatrix?" Tanong niya at tumawa.

Gusto ko siyang murahin dahil doon pero walang lumalabas sa bibig ko. Nagmadali akong pumunta sa parking at pinaandar ang kotse ko papunta sa bahay namin, nila.

Binuksan ng guard ang gate ng bahay. Pumasok ako sa bahay at kinalampag ang pinto. Lahat ng kasambahay ay nagulat dahil doon.

"Nasaan si Daddy?!" Sigaw ko.

Lahat sila ay nagtakbuhan sa dining. Iniluwa ng dining ang ama ko.

"Bakit ganon?" tanong ko sa kanya.

"Paanong 'bakit ganon'?" Sabi niya.

"Alam mo na yun. Huwag ka nang mag- maangmaangan pa." Sabi ko sa kanya at tumawa siya. "Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo."

"Ganon lang, ikinagagalit mo na?"

Kumulo lalo ang dugo ko. Bumilis ang paghinga at tibok ng puso ko.

"Ginawa ko ang lahat para sa kumpanyang yun tapos ganito mangyayari? Makukuha lang sa akin ng isang iglap? Ano yun? Kabobohan?" Sabi ko sa kanya.

"You have everything, Beatrix. Ibigay mo na yun sa kapatid mo—"

Malutong na mura ang inilabas ko. Padabog akong naglabas ng bahay at pinaandar na ang kotse ko papunta sa unit ko. Pumasok ako sa kwarto ko at isinalampak ang sarili sa likod ng pinto ng kwarto.

Nanghihina ako. Napaupo ako sa sahig at niyakap ko ang dalawa kong tuhod.

Ganito pala talaga ang pakiramdam kapag may kahati ka. Ganito pala ang pakiramdam kapag pinaghirapan mo ang isang bagay pero hindi pala mapupunta sayo.

The world is so unfair.

Simula Pa Nung Una // (Completed)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon