Kabanata 12

67 4 0
                                    

"Mama Bea, I'm very happy po kasi magkasama na po ulit kayo ni Papa. Sana po magkatuluyan kayo." Saad ni Brianna at yumakap sakin mula sa gilid.

"Hindi pa ako sigurado kung mangyayari yun." Sabi ko sa kanya.

"Bakit naman po?"

"Nafi- feel ko lang."

"Ah okay po. Pero sana po mafeel niyo din po na mahal kayo ni Papa."

Tumahimik na lang ako at hinagod ang buhok niya. Maya maya ay narinig ko na lang ang maliliit na hilik ni Brianna.

"Timothy!" Pag tawag ko kay Timothy at tumingin sa likod.

"Wait!" Rinig kong sigaw niya mula kusina.

Binuhat niya si Brianna nang makalapit siya sa'min. Ako naman ay sumunod sa kanila.

Timothy is a very good father.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto ni Brianna at pumasok kami doon. Inilapag niya ang bata sa kama at kinumotan.

"Dito ka na lang matutulog?" Tanong niya nang umupo ako sa kama.

"Oo." Sabi ko.

"Sige." Sabi niya.

Lumapit siya kay Brianna. May binulong at hinalikan sa noo. Lumapit siya sa'kin at sinabing,

"Good night."

At hinalikan ang noo ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit. Baka dahil sa kaba lang. Umalis na siya at iniwan kami doon.

Nang hindi pa ako dinadapuan ng antok ay inilibot ko ang paningin ko. Napaka- feminine ng kwarto ni Brianna, bata pa kasi.

Naalala ko tuloy nung bata ako, favorite na favorite ko ang pink. Pero ngayon, black na ang favorite ko. Marami talagang nagbabago kasabay ng pagbago at paglipas ng panahon.

Tumayo ako nang makakita ng mga picture frames at lumapit doon.

The first picture is just Brianna when she's baby. Grabe! Napakagandang bata. Hula ko paglaki nito, ang dami nitong manliligaw.

Ang pangalawang litrato ang nakapukaw sa atensyon ko. It is a man holding a baby na parang mahigit one year old na. Makaparehas silang tumatawa. It's a candid shot. At yung lalaki ay kamukha ni Timothy pero mas matured ang itsura.

The third picture got my attention more. It's a happy family. Nasa gitna si Brianna. On the right side ay isang babaeng napakaganda at sa left side ay ang lalaking nakita ko sa pangalawang litrato.

Na- confuse tuloy ako kung sino ba ang mga yun.

Lumabas ako doon at kumatok sa kwarto ni Timothy. Bumukas yun at lumitaw sakin ang— shet ang hot!

"Hindi ka makatulog?" Tanong niya.

Jusko! Topless pala 'to kapag natutulog. Napa- tingin ako sa pumupungay niyang mata na parang kagigising pa lang.

"Oo eh, naistorbo ba kita?" Sabi ko at napakamot sa ulo ko. "Or nagising?"

"Hindi naman." Sagot niya kahit halatang kagigising pa lang niya. "Dito ka na lang matulog, gusto mo?"

"Eh hehe hende ne!"Jusko! Bakit ang pabebe?

"Dito ka na matulog." Sabi niya at tumawa. "Alam ko na kung bakit hindi ka makatulog doon. Maliit lang yung kama eh."

"Oo eh at tsaka nagtataka ako."

"Bakit ka naman nagtataka?" Tanong niya.

Hinila ko siya papunta sa kwarto ni Brianna at tinuro ang mga litrato.

"Ah okay.  Dun natin yan pag usapan sa labas, baka magising si Brianna." Sabi niya at lumabas naman kami.

Pumunta kaming dalawa sa rooftop at umupo sa bench na nandoon.

"Aba'y gago!" Sabi ko at napatingin naman siya sa'kin. "Ang lamig lamig tapos nakahubad ka ng damit."

Napakamot siya sa ulo at umalis. Maya maya ay bumalik siya nang naka t- shirt na at may dalang jacket. Binigay niya sa'kin yun at sinuot ko naman.

Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko.

"Yung lalaki—"

"He's my older brother." Pag putol niya sa sinabi ko. "He died because of a car accident pati din yung asawa niya. Brianna was four years old back then nang mangyari yun. Awang awa ako sa pamangkin ko. Iyak siya nang iyak. May isip na siya nun eh. I adopt her. Inalagaan ko siyang parang sa'kin. Nung una, hirap na hirap ako kasi nagtratrabaho ako, nagaaral at nagaalaga pa kay Brianna. Pero nang masanay, maayos ko namang nagawa ang lahat ng yun. Natutuwa ako sa kanya kasi palagi niya sa'king sinasabi na 'Papa Timothy, I'll study hard po for Daddy, Mommy, Lola, Lolo and specially for you.' She always appreciate even little things around her. She's very smart."

"I'm sorry. Naalala ko pala na sinabi mo sa'kin na wala na si Kuya mo. I'm sorry talaga."

"Ayos lang." Sabi niya at ngumiti sa'kin. "Brianna is my Kuya's minime. Napakaparehas nilang dalawa."

"Timothy, anong reaksyon mo nung nalaman mong patay na ang Kuya mo?"

"Nagulat ako kasi before the accident ay reunion ng angkan namin tapos ganon na ang nangyari. Kahit anong saya mo aa buhay, may pagkakataon talaga na hindi mo maaasahang maging malungkot. Kaya, Beatrix, live your life like there's no tomorrow."

"Inuman tayo." Pag- aya ko sa kanya.

"No, hindi ibig sabihin nun ay iinum tayo. Masama yun sa kalusugan." Sabi niya.

"Hindi naman alak eh, milk tea naman." Sabi ko at ngumuso.

"Saan naman tayo bibili ng milk tea ng ganitong oras?" Sabi niya.

"Hanap tayo."

"Ako na lang ang maghahanap. Walang magbabantay kay Brianna."

"Sige, siguraduhin mong may mahahanap ka ha."

"Opo, tara na, bumaba na tayo."

May nalalaman pang punta dito sa rooftop, bababa din naman.

Pumunta kami sa sala bago niya ako lingunin ulit.

"Hintayin mo ako dito sa sala ha." Sabi niya at hinalika nanaman ako sa noo.

Puso, huwag ka namang kumabog nang napakalakas at napakabilis.

Umalis na siya at ako naman ay nanood na lang sa TV. Makalipas ang isang oras ay hindi pa rin siya nakakauwi. Tumaas muna ako at kinuha ang cellphone ko. Bumaba ako ulit at umupo sa sofa.

Dinial ko ang number ni Timothy ngumit hindi ito sumasagot. Jusko! Ano na ang nangyari dun? Nagaalala na ako.

Okay, after five minutes na wala pa siya, magtatawag ako ng paulit ulit sa phone niya.

Tumayo ako at naglakad paikot- ikot sa paligid ng center table.

"Tangina naman, Timothy. Bakit wala ka pa?"

Dinial ko nang dinial ang number ni Timothy pero hindi pa din siya sumasagot. Shet kasalanan ko 'to.

Simula Pa Nung Una // (Completed)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon