Every lunch, Danial always visit me in my office. Kaya ngayon, ako naman ang bibisita sa kanya. Nag- take out lang ako ng pagkain galing sa isang restaurant. I'm very busy nowadays.
Naikwento sa akin ni Danial that he has his own hospital now. Papunta ako doon ngayon. Nang makapasok ay nakita ko agad sa emergency room na napakaraming naroon. I took my masteral degree as a nurse, baka pwede akong makatulong kay Danial.
Pumasok ako sa ER. Naroon si Danial at halatang pagod na pero patuloy pa rin siya sa ginagawa. Nang makatapos siya sa isang pasyente ay nilapitan ko siya.
"Tulungan ko na kayo." Saad ko.
Lumingon siya sa akin at sinabing, "You don't have to. We can handle this."
"I'm a nurse."
"I know but you're my guest. Alam kong pagod ka dahil sa trabaho mo." Sabi niya. Lumingon siya sa mga upuang nasa tabi. "Sit there, wait for me. Tatapusin ko muna ito."
"Are you sure? You're tired too."
"Of course, I'm sure. Don't worry about me." Sabi niya. Inalis ang mask at ipinakita sa akin ang ngiti niya.
Umupo na ako dahil alam kong hindi ko na siya mapipilit pa na makatulong ako. They are all busy. Walang hindi pwedeng walang ginagawa. Lumipas ang ilang minuto at mas lalong rumami ang mga pasyente.
Hindi na ako nag- alinlangan pa, tumulong na ako sa kanila. Inalalayan ko ang isang matandang hingal na hingal na.
"Yung apo ko! Yung apo ko!" Sigaw niya.
"Asaan po, 'La?" Sabi ko.
"Ayun." Sabi niya at tinuro ang batang nakahilata na.
Agarang lumapit sa kanya ang isang nurse at inasikaso ang bata.
"Lola, kumalma ka lang po. Alam po nila ang ginagawa nila ha?" Saad ko nang maramdaman kong mas lalong bumibilis ang pulso niya sa wrist.
"Magiging ayos lang ba ang apo ko, hija? Maisasalba ba nila ang apo ko kahit wala kaming pambayad?" Sabi niya at nagsimula na siyang umiyak.
Umupo ako sa tabi niya.
"Magiging ayos po ang lahat. Ano po ba ang nangyari?"
"Nasunugan kami, hija. Marami ang nasunugan. Napakabiglaan ng sunog kung kaya't marami kaming naririto. Di naman namin namalayan na may sunog pala. Pasalamat nga ako sa Diyos na nakalabas kami sa bahay na iyon dala- dala ang mga mahahalagang papeles. Ang inaalala ko lamang ay ang kalagayan ng apo ko."
"Huwag po kayong magalala dahil ako na po ang bahala sa bayarin. Kumain na po ba kayo?" Sabi ko.
"Hindi pa nga, hija eh. Huwag kang magalala may bente pa ako dito, hija, pag alam ko na ang kalagayan ng apo ko ay bibili na ako."
"Huwag na po kayong bumili, may pagkain po ako dito. Ikaw na lang po ang kumain—"
"Huwag na hija—"
"Sige na po, kainin niyo na po." Sabi ko.
Binigay ko sa kanya ang dapat naming pagkain ni Danial.
"Yung isa po ay para sa apo mo. May tubig na din po jan. Magiging ayos din po ang apo mo, huwag po kayong magalala."
"Maraming salamat, hija. Mayroon pa din palang taong katulad mo. Napakabusilak ng iyong puso. Sana'y biyayaan ka ng Diyos ng sobra- sobra dahil sa taglay mong kabaitan." Sabi niya.
"Walang anuman po. Kumain ka na po." Sabi ko at pinanood siyang kumain.
Lumipas ang dalawanv oras ay doon pa lamang natapos si Danial sa nga gawain.
"Danial, kain na lang tayo sa labas—"
"I'm really sorry for what happened earlier. Nalipasan ka din tuloy ng gutom. I didn't expect to have more patients this day. I'm really sorry."
"It's okay. Hindi mo naman kasalanan yun. At tsaka yung bill pala—"
"Nung apo ng matanda? Narinig ko ang paguusap ninyo. Huwag mo nang isipin yun, ako na ang bahala doon."
"Pero sinabi ko kay Lola na ako ang babayad. I assure her that."
"Sinabi naman ng empleyado ko na nabayadan mo na kahit hindi." Sabi niya, napaismid ako dahil doon. "Tara na, kumain na tayo."
Umalis na kami doon gamit ang kotse ko. Buti na lang at dinala ko iyon dahil coding daw ang kotse niya at nagtaxi lang siya.
Siya ang nagmaneho. Bumaba kami nang makarating na kami sa kakainan namin. Habang kumakain ay nagkwentuhan lang kami.
Nang matapos ay bumalik na siya sa ospital at ako naman ay umuwi na. Pumasok lang ako kanina dahil may tinapos akong project.
Nang makapasok ako sa bahay ay nagulat ako nang merong ibang tao doon na di ko pa kailanman nakita.
Hinalikan ko si Mama at Dad sa pisngi.
"Anak, please go to your room muna." Sabi ni Mama at tumango ako.
Pumunta na ako sa kwarto ko at nagpalit na ng damit.
Sino yung mga taong yun?
Nanood muna ako ng mga pelikula. Habang nanonood ay pumapasok pa rin sa isip ko ang mga taong naroroon sa baba kanina. Geez stop thinking about them.
Dalawa silang babae. The other one is wearing a pure white rompers while the other is wearing a sluty black dress.
I'm very confuse about their identity. There's something bothering me.
Napatigil ako sa pag- iisip nang biglang may kumatok sa pinto. Pinatay ko ang tv at binuksan ang pinto.
"Pinapatawag ka po ng mama mo, Ma'am." Sabi ng isang katulong namin.
"Sige,"
Bumaba na ako at naroon pa rin ang dalawa.
Hinigit ako ni Mama papunta sa garden. Sumunod si Dad sa amin.
"Anak, I'm very sorry for making this mistake. And also to you, hon, I'm really sorry." Saad niya at hinalikan si Mommy sa noo.
Bahagyang tinulak ni Mommy si Daddy at umiwas ng tingin.
"What's happening?" Saad ko.
"May anak sa labas ang Daddy mo." Saad ni Mommy.
"Mom, are you joking—"
"I'm not joking, Beatrix." Seryosong sabi ni Mommy.
Nalaglag ang panga ko doon. WTF?
"Dito na siya titira mula ngayon dahil wala na siyang pamilya, anak. Anak ko din siya kaya pumayag ako." Sabi ni Daddy.
"I can't believe you, Leandro, you'll really do that?" Sabi ni Mommy.
"I need to—"
"Paano ang anak ko?" Sabi ni Mommy. "Paano siya, Leandro?"
"Titira lang naman dito si Fayre. Hindi naman niya makukuha yung mga bagay para sa anak natin, Hon."
"I don't believe you, Leandro. If something bad happened to my daughter because of your illegitimate child, hindi ako magdadalawang isip na kuhain si Beatrix. Tandaan mo yan." Sabi ni Mommy at pumasok na sa loob.
Tumingin si Daddy sa akin at ako naman ay umiwas lang ng tingin.
"C'mon, I'll introduce her to you. Be good to her." Sabi niya.
Pumasok na lang ako at sumunod siya. Pumunta ako sa dining at nagsimula nang magasalita si Daddy.
"Beatrix, this is Fayre, your stepsister." Sabi ni Daddy.
Naglahad sa akin ng kamay ang nakaitim, tiningnan ko lang iyon. Siya naman ay namula at bigong binaba ang kamay.
BINABASA MO ANG
Simula Pa Nung Una // (Completed)
RomanceBeatrix Javillo never settle for the less. Hindi siya pumapayag sa kahit na ano. Lagi niyang iniisip ang kapakanan ng sarili niya at kalinisan ng pangalan niya. Beatrix fell for one man. Hindi siya pumayag na magkaibigan lang ang turingan nila sa i...