"Why are you talking to him?" Tanong ni Danial nang makapasok na kami sa opisina ko.
"Why are you doing these?" Sabi ko at tinanggal ang kamay niyang nakakapit sa pulso ko.
"I'm doing all of these things to help you to move on." Sabi niya.
"Danial, please stop. Okay? Hindi na ako natutuwa sa mga ginagawa mo."
That day, hindi na ulit nagparamdam si Danial. I wonder why. Oo, sinabi ko sa kanya na tigilan niya na ako pero hindi kasi ganon si Danial. He always do what he wants.
Binalewala ko na muna iyon at pumunta sa isang condominium building. Nakakainis na sa bahay. I need some space from them, to be honest. Bumili na ako ng isang unit doon. Tomorrow, I'll start moving here.
Umuwi na muna ako sa bahay. Gumising ako nang maaga para makapag- hakot na din. I also told Mom about this and she agree. Alam kong alam niya ang nararamdaman ko dahil sa pagdating ni Fayre. She also told me that she'll help and she'll always visit me.
Buti na lang, ang kinuha kong condo unit ay dalawang palapag. May dalawang kwarto sa taas at isang kwarto sa baba, lahat ng iyon ay may sari- sariling CR. Sa baba ay meron din doong sala, dining, kusina at isang nakabukod na CR.
Kinahon ko na lahat ng gamit ko dito sa bahay. Magdadala na lang ako ng damit kapag natipuhan kong matulog dito. Ang mga damit ay nakakahon na din. Nilagay ko na din sa kahon ang mga bag, sapatos, sandals, at mga ginagamit ko sa CR.
Nagpatulong ako sa mga katulong na ipababa ang mga gamit ko at ilagay sa likod ng Ford Ranger ko. Nang matapos iyon ay pumunta na ako sa unit ko. Agaran akong tinulungan ng mga staff na nandoon.
Nang mailagay ko na sa loob ang mga gamit ay inayos ko ang sarili ko at lumabas na ulit para bumili ng mga muwebles. Nang bumaba sa lobby ay nagulat ako sa nakita. It's Timothy. Kausap niya ang guard.
Fck! He's very handsome. He's wearing a pink polo tucked in black pants. I'm very speechless because of his presence.
Tumingin sa akin ang guard at may binulong kay Timothy. Tumingin siya sa akin at lumapit.
"Hey!" Saad niya at tumawa ng mahina.
"Hi" Saad ko pabalik.
"Eto yung isa sa mga condominium building ko na oorderan ko sana ng furniture sa kumpanya mo." Saad niya.
"Ah, s- sayo 'to?" Sabi ko.
"Oo," Sabi niya. Bumagsak ang panga ko dahil doon. "Saan ka pala pupunta?"
"P- pupunta lang ako sa isang shop ng kumpanya namin para bumili ng muwebles para sa unit ko." Sabi ko.
"Samahan na kita—"
"Okay lang hehe. Huwag na." Sabi ko.
"Sige na, wala naman akong gagawin." Sabi niya.
Pumayag na lang ako dahil doon. Ang rupok mo talaga, self. Napag- desisyunan namin na kotse niya na lang ang dalhin. Siya ang nag- drive at ako nama ay umupo sa front passenger seat.
"Dinner tayo mamaya ha. May sasabihin ako sa'yo." Sabi niya.
"Sure! Saan tayo magdi- dinner?" Sabi ko.
"Gusto ko sana sa may seashore kaso parang ang imposible naman nun." Sabi niya.
"Yung kotse ko na lang ang dalhin natin mamaya." Sabi ko.
"Paano— ah okay, gets ko na. Mag- take out na lang tayo ng pagkain." Sabi niya.
Nang makarating kami sa shop ay siya ang naunang bumaba at binuksan niya ang pinto sa banda ko. Inalalayan niya pa ako pagbaba. Feeling ko boyfriend ko pa din siya hanggang ngayon.
Akala ko naka- move on na talaga ako pero wala talaga. Bumalik lang ulit ang lahat.
Inorder ko sa shop ang mga muwebles na gusto ko at ipinadeliver na agad- agad sa unit ko. Kinausap na din namin ni Timothy ang staff niya para ayusin ang mga binili namin sa unit ko mismo.
Tumingin ako sa orasan ng shop at doon lang napag- tanto na gabi na pala. Nag- drive thru lang kami at pumunta na sa isang beach na sinasabi niya. Nang maka- rating kami doon ay inayos niya ang mga pagkain sa likod at ako naman ay tinulungan na din siya.
Tumaas na siya doon at inilahad ang kamay ko. Dahil maliit ako ay hirap na hirap akong umakyat. Bumaba siya ulit. Kinapitan ang magkabilang bewang ko at iniangat ako pataas. Umupo na ako doon.
Biglang nanlambot ang mga tuhod ko nang kapitan niya ang bewang ko. Fck! I remember this feeling.
Tumaas siya ulit at umupo na sa tabi ko. Parehas kaming tahimik habang kumakain. Nabasag ang katahimikan nang magsalita siya.
"I've waited so much for this time to come." Napatingin ako sa kanya dahil doon.
"Bakit?" Tanong ko.
"Gustong- gusto kitang kausapin. Hinintay kitang makabalik dito. I don't want to interrupt you while you're out of the country." Nalaglag ang panga ko dahil doon. Alam niya! "And I also know the reason."
"P- paano?" Iyon na lang ang nasabi ko dahil sa gulat.
"Danial told me. Lasing na lasing siya noon tapos pumunta siya sa bahay. He shouted at me. Sinigaw niya lahat ng tungkol sayo. Sinigaw niya kung paano at gaano ka nasaktan dahil sa akin."
Napalunok ako dahil doon. Wala akong masabi. Nagpatuloy siya sa pagkuwento.
"When I was in Indonesia, naaksidente ako. I had amnesia. That's why I forgot everything including you." Sabi niya. Hindi ko naisip yun. "Mom pushed me to marry Sofia then I did. I really did. But I said to Mom to make it simple and secret. Kasi by that time, may nararamdaman na akong mali. When Danial told me that, bumalik ang ibang alaala sa akin at lahat ng nararamdaman ko para sa'yo."
"I wan to take this opportunity to say sorry for every pain I cause you. I'm really sorry, my wife." Sabi niya at hinalikan ako sa noo.
BINABASA MO ANG
Simula Pa Nung Una // (Completed)
RomanceBeatrix Javillo never settle for the less. Hindi siya pumapayag sa kahit na ano. Lagi niyang iniisip ang kapakanan ng sarili niya at kalinisan ng pangalan niya. Beatrix fell for one man. Hindi siya pumayag na magkaibigan lang ang turingan nila sa i...