Napamulat ako ng mata, panaginip lang ang lahat. Hindi totoo ang lahat, hindi. Napagtanto ko na puti ang kisame. Hindi ko ito kwarto. Napatingin ako sa paligid at nakita kong papalapit si Danial.
"Nahimatay ka kanina habang kausap kita. Nagulat ka ata sa binalita ko sa'yo." Saad niya at ngumiti ng mapait.
"Ilang minuto akong tulog? I mean hindi pa nakakarecover sa pagkahimatay," tanong ko sa kanya.
"120 minutes," simpleng sagot niya. Ibinigay niya sa'kin ang dala niyang pagkain. "You should, eat."
"Thank you, Doc." Sabi ko nang nakangiti at kinuha ang pagkain mula sa kanya. Umupo ako mula sa pagkakahiga at tumabi naman siya sa akin.
"I'm starting to like my job." Sabi niya.
"Bakit? Nung una ba hindi mo gusto ang trabaho mo?" Sabi ko sa kanya pagkakagat sa burger.
"Hindi namaan, gusto ko yung trabaho ko. Pero habang tumatagal, nakakapagod na din kasi everyday yun at yun pa din ang gagawin mo." Sabi niya.
Magkapaehas sila ni Timothy, napapagod agad.
Napayuko ako dahil sa naisip ko. Bakit ko ba siya iniisip? Ni hindi niya nga ako maisip. Napakaunfair ni Timothy!
"Are you okay?" tanong ni Danial sa akin.
"Yes, may naalala lang ako." Sabi ko sa kanya.
"Is it Timothy?"
"Oo," Sabi ko.
"Maybe you like Timothy."
"Ha? What do you mean?"
"Maybe you like or love him. You'll not act like that if you don't have feelings for him." Natawa ako sa sinabi niya. He's not me kaya kaya niya yun sabihin nang ganon- ganon na lang. "Why are you laughing about my opinion?"
"It's funny! Danial, I have experienced love and it didn't go like this. Timothy is just a friend of mine. Nagtatampo lang ako kasi hindi niya sa'kin sinabi ang tungkol dun."
"What do you feel when he's around?"
"Who?"
"Your past love" Sagot niya gamit ang sarkastikong tono.
"He made my heart beat, butterflies in my tummy--"
"Then he's not the guy for you. In short, you didn't love him." Napatingin ako sa kanya nang sabihin niya yun. I waited for his explanation. "The guy you love will make you feel secure, loved and love is all about understanding, time and pain at the same time. Beatrix, action speaks louder than words."
Bawat kataga niya ay tagos. Hindi ako makapagsalita. Siya lang ang taong may ganang mulatin ako sa pagibig. Ano yung naramdaman ko kay Travis? Infatuation?
Timothy always make sure that I am secured. He always give me what I want. He always make me feel that I'm enough and loved. Timothy did everything for me.
"Naïve,"
"Danial, maybe you're right. Mahal ko na ata si Timothy." Sabi ko at inilayo ang paningin sa kanya.
"Then you should go for it. Puntahan mo na siya at itanong mo kung paano nangyari iyon. Listen to his side, okay? I know that he has a good intention behind it."
"Thank you so much!" Sabi ko at niyakap siya.
Danial has been a good friend to me. Ang hirap suklian ng mga binigay niya sa'kin, sobrang hirap.
"Pumunta ka na sa kanila." Sabi niya. Humiwalay siya sa yakap at ngumiti sa'kin.
Bumangon ako at nagsimula nang umalis, hindi nililingon si Danial. Pumara ako ng taxi at pumunta sa bahay ni Timothy. Tumigil ang taxi sa harap ng bahay nila. Nagbayad ako at lumabas na.
This is it. Wala nang atrasan 'to, Beatrix.
Huminga ako ng malalim at nag doorbell. Lumabas si Timothy sa pinto, walang sinasabi. Tumingin ako sa mata niya at napakablangko nun, hindi nagpapakita ng kahit ano ng emosyon. Shit! I miss him so much!
"Can we talk?" Saad ko.
Binuksan niya ang gate at naunang pumasok sa bahay niya, sumunod ako sa kanya. Umupo siya sa sofa sa sala at tiningnan ako kaya umupo na ako sa tabi niya.
Bakit ako kinakabahaan? Bakit ngayon pa?
"Is it true, Timothy?" sabi ko sa kanya. Napatingin siya sa'kin.
"No, it isn't true." sabi niya habang nakatingin sa mata ko.
His eyes became restless, parang pagod na pagod dahil sa mga pangyayari.
"Okay ka lang?"
"Yes," sabi niya at yumuko "I want to show you that I'm okay even I'm not."
"Bakit? Anong nangyari?" Sabi ko. Tila ba mas kinakabahan dahil sa sinabi niya.
"My parents want me to marry her." Sabi niya at tumingin sa'kin. "I've tried to explain to them na ayoko. I don't want to because I have you. I love you so much even you don't."
"I love you too," Sabi ko at nanlaki ang mata niya.
I FINALLY SAID IT!!! NASABI KO NAAAAAAA!
"You know that I love you more diba?"
"I know"
Yumakap siya sa akin at niyakap ko din siya pabalik. Maya- maya ay naririnig ko na siyang umiyak.
"Bakit ka umiiyak?" Sabi ko.
"I thought you and Danial are in a relationship."
Humiwalay kami sa yakap. Naglakad siya papunta sa kwarto niya at nagtagal doon ng ilang minute. Bumalik siya dala- dala ang isang papel. Binigay niya yun sa akin at sinabing,
"Basahin mo, kakagawa ko pa lang niyan."
Kinuha ko iyon at binasa,
"Dear Beatrix,
It's been I don't know how many months hahaha. I just want to say congratulations! I hope that you're happy in Danial's arm. I hope that he'll treat you better than I do. Sorry for not being enough---"
Napatawa ako dahil sa hand- written letter niya. He really thinks that me and Danial are on, hmmm.
"I'm broken hearted af then you laugh at my letter?" Sabi niya.
"Then should I be angry?"
"No hehe,"
Tumabi siya sa akin at yumakap mula sa gilid ko.
"I love you," Saad niya at hinalikan ang noo ko.
"I love you more,"
"I love you most, baby."
BINABASA MO ANG
Simula Pa Nung Una // (Completed)
RomantikBeatrix Javillo never settle for the less. Hindi siya pumapayag sa kahit na ano. Lagi niyang iniisip ang kapakanan ng sarili niya at kalinisan ng pangalan niya. Beatrix fell for one man. Hindi siya pumayag na magkaibigan lang ang turingan nila sa i...