Kabanata 21

56 3 0
                                    

"Anak," Sabi ni Dad at itinapon sa harap ko ang isang magazine.

Sobra ang gulat ko nang tumama iyon sa mukha ko. Dad is very calmly talking but I can see that he's very aggressive when doing something.

Bimaba ko muna ang magazine at tiningnan siya. I can see in his eyes his anger. Tiningnan ko ang magazine at nakita doon ang article tungkol sa amin ni Timothy. Eto yung ininterview kami na dapat ako lang.

"You had a relationship with Timothy?! At hindi namin alam yun!" Sigaw niya.

"Bakit ka ba nagagalit sa anak natin tungkol lang jan?!" Saad ni Mommy.

"Because we are her parents and not the media. This shit can't just sink in my mind. Ano? She's so shy to tell that to us?"

"Napakaliit na bagay niyan pero galit na galit ka!"

"I'm just angry because this girl used to be so open to us. She even told us who was her crushes." he paused. "I'm just—"

Naputol ang sinasabi niya nang mag- walk out siya. Minsan talaga, hindi ko malaman ang takbo ng isip ng tatay ko. Daig pa ang babae.

"Dapat sasabihin ko po yun sa inyo pero matagal na po yun.Nakahanap na nga po si Timothy ng pampalit sa akin eh." Sabi ko at ngumiti.

"Galit lang si Daddy mo kasi yun nga, you always talk to us about your life at tsaka nagiisa ka kasing anak." Sabi ni Mommy. "By the way, I heard that Felicity stop the printing of this magazine. And I also heard that she doesn't like you for his son." Saad ng mama ko at tumawa. "Parang gusto ko naman siyang maging mother- in- law mo."

My Mom has so much of sense of humor but when it comes to business, she's very serious.

Nagulat kami nang marinig nanaman namin ang mabibigat na hakbang ni Daddy. Lumapit siya kay Mama at pinakita ang cellphone niya, tila may pinapapanood dito.

"Felicity did this to you?" sabi ni Daddy at pinakita ang cellphone sa akin. Yun yung binuhusan ako ng wine ni Felicity! The nerve of her!

"Halata naman diba?!" My mom said sarcastically to Dad.

"Ayaw niya kasi sa akin, Dad. That's why."

"I don't like her too so that means I have the right to do it to her too." Sabi ni Mommy.

"Hayaan niyo na po yun. Papalakihin lang po natin ang problema." Sabi ko.

"Mom, Dad, I have something to say. I had enough of Timothy and I really want to get over with my feelings. Can I go to a vacation?" Sabi ko. "I hope the both of you understand."

"Sure, anak. But remember this, kahit ilang taon pa yan, kung mahal na mahal mo talaga yung taong yun, you can't get over your feelings for him." Sabi ni Mommy.

The both of them looks happy with my desicion. Dahan- dahan akong tumalikod sa kanila at naglakad na papasok sa airport.

It was a long ride. Pumasok ako sa condo unit ko. I just choose their smallest one. Ako lang naman ang titira eh.

Sa mga magulang ko lang ako nagpaalam. Di ko pinaalam ang tungkol dito kahit kanino maliban sa kanila.

Inilibot ko ang tingin. Well, let's start a new life here.

Lumipas ang ilang taon, napag- desisyunan kong bumalik na sa Pilipinas. Even the scenery changed, the feeling stays the same. Dahan- dahan akong bumaba sa kotse. Pumasok ako sa building at binati ako ng mga empleyado. Pumasok na ako sa elevator at tinanggal ang shades ko. Naglakad ako papunta sa meeting room upang surpresahin ang ama at ina ko.

Simula Pa Nung Una // (Completed)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon