Kabanata 14

73 4 0
                                    

Dumating si Timothy na tulala. Hindi ko siya pinansin. I just texted him kanina na naaksidente si Brianna at kung saang ospital kami pumunta.

"Ma'am," saad ng Doktor.

Tumayo ako at tumayo din si Timothy. Tumingin sa'kin ang doktor, inalis ang kanyang mask at sinabing,

"She's fine physically, meron lang bruises and wound, yun lang naman, nagagamot naman yun. But I don't think that she'll be okay mentally. Baka ma trauma ang bata sa nangyari. Right now, hindi pa din siya nagigising. But again, she's okay. Excuse me po." Sabi niya at ngumiti sa'kin.

Lumapit ang isang nurse sa'kin na may dalang form. Itunuro ko si Timothy at ibinigay niya iyon sa kanya.

"Paki- fill- up na lang po para mai trasfer na po ang bata sa isang room."

Tinanggap iyon ni Timothy at nag fill-up na siya. Nang matapos siya ay maya maya, inilipat na si Brianna sa isang private room.

"Timothy, I'm sorry. It's my fault. I'm really sorry—"

"Leave." Malamig na saad niya at lumapit sa anak.

"Timothy—"

"I said leave! Hindi mo ba maintindihan?! Umalis ka na! Oh! Tagalog na yan!" Sigaw niya.

Parang kahapon lang ang sayan namin ah tapos ngayon sinisigawan na niya ako.

Lumabas na ako doon at pumunta sa parking lot. Umiyak ako nang umiyak sa labas ng kotse ko.

"Ayos lang naman ang anak mo pero bakit ka umiiyak?"

Napa- tingin ako sa nagsalita, si doc. Naglahad siya sa'kin ng panyo at tinanggap ko naman yun.

"I'm Danial Williams and you are?"

"Beatrix Javillo." Saad ko at ngumiti sa kanya ng pilit.

"Bakit ka umiiyak? Is it because of your daughter? I hope not. I did my best to cure her—"

"No, it's not because of her. It's just a personal problem."

"It's okay, you can tell it to me."

"No, I can't. I'm sorry."

"Okay, I hope you'll be fine. Sa'yo na yang panyo ko, you need it more than I need it."

"Thank you, Danial." Sabi ko.

"You're welcome. Mauna ka nang umalis. Titingnan ko kung maayos kang makakauwi."

"Sige."

Sumakay ako sa kotse ko at pinaandar iyon papunta sa bahay.

My vacation is over. Nag stay ako sa bahay nila para sa recognition ni Brianna. Malayo kasi ang bahay ko sa bahay nila, eight hours pa ang byahe. I found out that si Timothy lang ang nasa ibang bansa.

Habang nagdradive ay naalala ko ang ginawa ni Danial. He's very concern. Teh, It's normal because he's a doctor. Nothing's special at all.

To be honest Danial is very handsome. Unang tingin ko pa lang sa kanya, I already admired his masculine beauty. Para ngang may ibang lahi siya eh.

Nang makauwi ako ay nakatanggap ako ng mensahe. Dali- dali kong kinuha ang cellphone ko at tiningnan ang text.

Nakauwi ka na?

It's from an unknown number. Akala ko si Timothy ang nag text. Nag reply ako,

Hu u?

Maya maya ay tumawag ang unknown number na iyon. Agad kong sinagot yun at sinabing,

"Kung sino ka man, please stop—"

"Hey! Hey! Hey! Chill!" Saad sa kabilang linya at tumawa. "It's Danial. galit na galit ka ba?"

"I'm sorry. Akala ko kung sino. Sorry talaga."

"It's okay. Nakauwi ka ba ng maayos?"

"Oo,"

"Hahatid sana kita kaso may dala kang kotse eh. Uhm— pwedeng magtanong?"

"Nagtatanong ka na."

"Sino yung kasama mong lalaki kanina?"

"Ah— yun yung tatay nung batang dinala ko sa ospital."

"Your husband?"

"No, not at all. Nanay- nanayan lang ako nung bata."

"So you're single?"

"Oo, bakit?"

"Wala naman. You're so beautiful to be single."

"Luh?" Sabi ko at tumawa. "Thank you"

"You're always welcome even in my life." Saad niya at naimagine ko na kumindat siya.

"Matutulog na ako, Danial. Good night."

"Good night din."

Pinatay ko ang tawag at pinalipas na ang araw na iyon.

I don't know why Timothy acted like that. Wala naman akong ginawang masama sa kanya. Pinagtanggol ko naman ang anak niya.

Alam ko na kasalanan kong naaksidente si Brianna pero iba eh. Iba talaga pero hindi ko alam kung paano ko nasabing iba.

Lumipas ang mga araw na parang hindi na bago sa'kin ang lahat puwera na lang ang hindi pagtext o pagtawag ni Timothy sa'kin.

Danial always visits me at the office. 'Ni hindi ko pa nga natatanong kung saan niya nakuha ang mga impormasyon tungkol sa akin. Palagi kong nakakalimutan.

Napakabait na tao ni Danial and I just found out na Tito pala siya ni Violet Coltrane sa mother side. That's why he's familiar to me.

Araw, linggo at buwan ang mga lumipas pero ganon lang ang nangyayari.

Maybe Timothy is angry at me. Baka kasal na talaga siya. Baka mas masaya na siya ngayon.

Sana maayos na si Brianna at fully recovered na. Lagi akong ina- update ni Danial tungkol sa kalagayan ng bata pero sabi niya noong mga nakaraang araw,

"Umalis na sila. Naglipat ata ng ospital. I didn't get enough information basta umalis lang sila."

At hanggang ngayon wala pa rin akong nababalitaan mula sa kanila. Maybe they are starting to ignore me after what I've done to Brianna.

"Do you hear the news?"

Napa- tingin ako sa bagong dating na si Danial at hingal na hingal pa ito.

"No"

"Ano ba yan? Tapos na yung show eh." Bulong niya sa sarili niya. Humarap siya sa akin at sinabing, "Can I borrow your laptop?"

"Sure," sabi ko at ibinigay iyon sa kanya.

Pumindot- pindot siya ng kung ano- ano at hinarap sa'kin ang laptop.

Timothy Calimlim at Sofia Mandalio, Ikinasal na

Simula Pa Nung Una // (Completed)  Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon