1.) Paboritong Tula

31.3K 619 43
                                    

Ikaw ang paborito kong tula,
kahit walang tugma o talinghagang salita,
kahit magkabuhol-buhol itong aking dila.
Hindi man magtama ang bilang
sa isa, dalawa hanggang sa labindalawa(hin);
na kahit ang hirap mong intindihin,
ay patuloy pa rin kitang mamahalin,
dahil ikaw lang ang paborito kong metapora,
hindi man ako ang paborito mong manunula.

...

Paboritong Tula

Mga Hinabing Talinghagang

Date: 8/20/18

Mga Hinabing Talinghaga (Wattys2019 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon