Para akong sirang plaka
na hindi alam kung para saan pa
ang bawat gasgas na piyesa.Hindi ka rin ba nagtataka?
Sa paggising mo sa umaga,
sa pag-upo mo sa inyong sala,
sa pagsubo mo ng iyong kutsara,
sa pagtingala mo sa mga tala.Ano bang saysay mo sa mundo na ito?
Para rin bang isang tula
na hindi alam kung para saan pa't
sa papel ay nilapatan ng tinta.At kagaya ko ay hinihintay na lang ang huling bantas na gagamitin para mawakasan na?
'Ano nga ba talagang saysay ko sa mundo?' Naitanong mo na rin ba sa sarili mo?
***
Saysay
Mga Hinabing Talinghaga
BINABASA MO ANG
Mga Hinabing Talinghaga (Wattys2019 Winner)
PoetryWattys 2019 Winner: Poetry Hawakan mo na ang iyong pluma at pasayawin mo ito sa blangkong papel, sa saliw ng ritmo ng mga salita. Dadanak muli ang tinta para likhain ang mga hinabing talinghaga, ito ang panimula.