Sa mga panahong nililigaw tayo
ng mga tao sa paligid.
Sa mga panahong hindi ang paghikbi
ang sagot sa bawat pighati.
Sa mga panahong walang lugar
ang makakapawi sa bawat impit na pangungulila.Mayroon isang tao
na siyang tatakbuhan natin.Pagkat babalik at babalik pa rin tayo
sa nagsilbi nating motel-
silang pansamantalang silungan
na patuloy pa rin sa paghihintay
ng muli nating saglit na pagtigil
sa tuwing tinatakasan tayo
ng mga pinili natin maging tahanan.At kahit may tao tayong inuuwian
iba pa rin ang mayroon tayong pahingahan.
Kung saan pwede kang huminga at magpahinga
'pag unti-unti nang nawawasak ang iyong tahanan.
Kaya tahan[na]--
Motel
Mga Hinabing Talinghaga
BINABASA MO ANG
Mga Hinabing Talinghaga (Wattys2019 Winner)
PoetryWattys 2019 Winner: Poetry Hawakan mo na ang iyong pluma at pasayawin mo ito sa blangkong papel, sa saliw ng ritmo ng mga salita. Dadanak muli ang tinta para likhain ang mga hinabing talinghaga, ito ang panimula.