18.) Kung bakit hindi alkohol ang sagot sa kumakalamnan?

2.8K 46 3
                                    

Hinarangan na ang bawat eskinita,
nagkalat ang mga naka-uniporme.
Nakaposas ang paa, hindi makalakad.
Sinalpakan pa nga ang bibig, hindi ng pagkain kundi maskara.

Binusalan ngunit hindi  ka dapat manahimik.

Wala nang masalop ni gabutil na bigas.
Taob na ang palayok,
sinimot na ng tiyan na hayok na hayok.
Ubos na ang inimpok, wala nang madudukot.

Ligtas ka na sa sakit pero hindi sa pagkagutom. Wala pa rin ang rasyon.

Dahil hindi masasagot ng alkohol ang kumakalam na sikmura.
O mabubusalan ng kahit anong maskara,
ang karapatang mamahayag-pagpuna.

At kung pag-ambag lang din naman ang usapan,
mas higit na may saysay ang pagpuna
kaysa ang pagtango lang sa bulok na sistema.
Gumising!

#WorldPoetryDay2020
#PandaigdigangArawNgTula2020

Mga Hinabing Talinghaga (Wattys2019 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon