Madalas, matatagpuan natin ang sarili sa 'di inaasahang pagkakataon at sa 'di pamilyar na lugar. Kaya nga siguro mas ninanais natin ang humakbang palabas ng ating komportasyon. Malayo sa lugar kung saan tayo sinanay ng mga mapagbalat-kayong postura, gawi at pamantayan ng mapanghusgang lipunan.Dahil ang totoo ay may hinahanap tayo— ang mga saysay natin buhat nang inihulma tayo mula sa alikabok, ang kasagutan sa lahat ng paano't bakit sa pagitan ng mga pag-aagam-agam at mga baka-sakali, ang mga sariling iniligaw ng mundo't kamalayan at iba pang dahilan na mas pinili na lang nating isaboy sa mga impit na bituin sa kalawakan.
Mahahanap rin natin ang mga sarili. Hindi pa ito ang huling istasyon.
BINABASA MO ANG
Mga Hinabing Talinghaga (Wattys2019 Winner)
PoetryWattys 2019 Winner: Poetry Hawakan mo na ang iyong pluma at pasayawin mo ito sa blangkong papel, sa saliw ng ritmo ng mga salita. Dadanak muli ang tinta para likhain ang mga hinabing talinghaga, ito ang panimula.