9.) Ala-ala

5.3K 72 2
                                    

Sa pagitan ng hating-gabi at bukang-liwayway,
Mga matang naghihilam-- sa pagtangis, pagkapuyat, o;
Sa labis na pananatili sa mga ala-ala.

Kumupas na ang itim sa puti,
Pumilantik ang oras-- kamay ay nasa tres.
Kinalabit ng halimaw-- bumulong.

Nakakabingi kapag tahimik,
nakakarindi ang bawat buntong-hininga,
matapos na sana ang gabi.

Namumula na ang mga mata,
nahihirapan sa paghinga,
nakikipagtalik sa pulbos sa mesa.

Mga boses sa aking tainga,
para bang sirang plaka,
paulit-ulit na nagmumura.

Hinithit ang demonyo,
Ibinuga 'pag tapos na
itataktak ang mga upos niya.

Hindi ikaw ang gabi,
pero ikaw ang pinili na makatabi.
Sumayaw tayo, umindayog.

Nakahubad ang mga kahapon,
nakakasakit sa mata,
nakakapagod sumaya(w).

Huminto ang kanta.
Hindi namalayan,
inabot na pala ng umaga.

Mga matang naghihilam-- hindi na sa pagtangis o pagkapuyat.
Naiwan akong mag-isa,
Nakakalasing ang mga ala-ala.

Mga Hinabing Talinghaga (Wattys2019 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon