15.) Demonyo

3.7K 44 4
                                    

Nagsimula sa gabutil na palay.
Nong una, hindi alam kung isa lang ba ito sa pantasya o-
binulag lang ng reyalidad;
masalimuot ang buhay, minsa'y masaya
pero nasanay na nasa lungkot ka.
Nagtampisaw.

Kabaro mo na ang estatwa,
gagalaw kapag wala na ang sinag mula sa'yong mata.
Magtatago kapag mga labi'y nakakurba.
Pero sa kaniya pa rin magpupunta-
sa gabi na hindi kape ang sagot:
sa pangamba;
sa pagkatakot;
sa pagkalito.

Siya ang demonyong maghahatid sa'yo,
sa simula ng katapusan.
Sa ibat-ibang kaparaanan.
Tumigil ka na.
Mali.
Maingay na naman sa aking tainga.
Umalis ka na sa aking isipan.
Hindi na naman makahinga.
Kakaba-kaba.
Diyablo.

Hinawakan ang nakasabit na tela.
Mga marka sa pulso, hindi na natakpan ng kahit anong pagbabalat-(kayo!)
Ito ang tableta, pampatulog sa nagwawalang sistema.

Ngunit sa kaniya lang nakakasumpong ng kahinahunan.

Inipit sa labi, hinithit ang demonyo saka ibinuga sa kawalan.
Hinayaang kumalat ang pait sa lalamunan.
'Pag tapos na'y itataktak ang upos niya.
Paulit-ulit.
Siklo.
Hindi namalayan na ako ang naupos niya.
Yakapin.
Dilim.
Palatak na nagmura.

Mamahinga.

...

Demonyo
Mga Hinabing Talinghagang



Date: 12/05/19

Mga Hinabing Talinghaga (Wattys2019 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon