Makapangyarihan ang mga salita
gamitin mo ito para lumaya
dahil kung patuloy kang magpapagapos
sa nagngangalit na emosyon
na pilit kumakawala sa'yong kalooban
maaaring malunod ka sa inhibisyon, kalungkutan at kapaitan.Isa kang sugnay na makapag-iisa,
ang panaguri na kahit iniligaw na ng iyong simuno,
ay patuloy na hahanap ng dahilan
para maging ganap na pangungusap.
Isa kang mahabang taludtod sa kalmadong tula,
at tayutay na ginamit para madepina kung sino ka talaga.Hawakan mo na ang iyong pluma,
pasayawin ito sa blangkong papel,
sa saliw ng ritmo ng mga salita,
dadanak muli ang tinta para likhain
ang mga hinabing talinghaga,
ito ang panimula....
Talinghagang Panimula
Mga Hinabing Talinghaga
Date: 8/20/18
BINABASA MO ANG
Mga Hinabing Talinghaga (Wattys2019 Winner)
PoetryWattys 2019 Winner: Poetry Hawakan mo na ang iyong pluma at pasayawin mo ito sa blangkong papel, sa saliw ng ritmo ng mga salita. Dadanak muli ang tinta para likhain ang mga hinabing talinghaga, ito ang panimula.