Dalawampung taon mula ngayon,
babalik kayo sa pagitan ng kahapon, ngayon at kinabukasan,
para muling sariwain ang makulay na hatid ng mga ala-ala nang nagdaan,
para muling itama ang mga bagay na pilit gumagambala sa'yo mula sa nagdaang sugat--
na hindi nabigyan ng pagkakataon na matuyo.Maaaring ang ngayon ay ituturing mong isang payaso,
na may dala-dalang ibat-ibang kulay ng lobo;
at nakasuot ng koloreteng ngiti pero--
hindi lahat nang nakikita ng mga mata ay totoo.Dahil ang bukas ay isang magnanakaw,
hindi tiyak kung kailan sasalakay.
Maaaring sa kahimbingan ng gabi
o sa panahon na gising ka pero wala kang sandata.Kaya ang ngayon ay samantalahin,
dalawa lang ang pwedeng pagpilian--
Ang bitiwan ang pag-asa(m) o,
ipagpatuloy ang laban.Pero ikaw lang din ang makasasagot,
hindi ang mga bituin sa taas
o iasa sa estrangherong tadhana.Hindi pa tapos ang tulang ito,
o kung tatapusin pa nga ba
Gaya ng bukas na walang kasiguraduhan.Liham para sa Kabataan
Mga Hinabing TalinghagangDate: 9/05/18
BINABASA MO ANG
Mga Hinabing Talinghaga (Wattys2019 Winner)
PoetryWattys 2019 Winner: Poetry Hawakan mo na ang iyong pluma at pasayawin mo ito sa blangkong papel, sa saliw ng ritmo ng mga salita. Dadanak muli ang tinta para likhain ang mga hinabing talinghaga, ito ang panimula.