11.) Kaming sinagip mula sa pagkakarehas sa kamangmangan.

4.6K 61 2
                                    

Oo, isang beses pa.
Muling ginawaran ng panibagong simula.
Humakbang ng dalawa, mula baitang paangat pa.

Kumawala sa konotasyon na hanggang dito na lang.
Binuksan ang pinto, isang oportunidad na naghihinatay para sa'yo at tulad ko.
na minsang nawalan ng pag-asa(m)
na baka bukas ay makakagraduate pa.

Alternatibong Sistemang Pang-edukasyon.
Na may layon na ilapit kami
sa mga nasirang pangarap.

Hindi pumipili, wala sa edad o kasarian.
Basta meron kang puso at dedikasyon sa pagkatuto.
Maaaring ang tingin sa amin
ay mga pabigat sa lipunan,
mas piniling mapadali ang proseso ng pag-aaral.
Pero walang may gusto o nagnais na hindi mapabilang sa normal na paaralan.
Dahil tulad din kami ninyo,
hinahangad ang karunungan.

Kaming sinagip mula sa pagkakarehas sa kamangmangan.
Kinailangan ng pagtanggap ng lipunan.
Para mahasa ang kasanayan,
sa akademiko o iba pang paraan.

Kaming sinagip mula sa pagkakarehas sa kamangmangan.
Pantay-pantay lang din naman tayong may anking kaalaman.
Ang sa'yo nga lang ay nagamit mo sa tamang kaparaanan.
Samantalang ang sa amin ay ngayon pa lang sisibol,
Ipamamalas nang higit sa makakayanan.

Kaming sinagip mula sa pagkakarehas sa kamangmangan.
Kabilang sa mga lumamlam na bituin.
Pero balang araw,
ang talento't husay ay maipapakita
na hindi lang kami basta
produkto ng ALS,
'Pagkat kami ang sinagip mula sa pagkakarehas sa kamangmangan.

Mga Hinabing Talinghaga (Wattys2019 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon