5.) Tamang Tao, Tunay na Pag-ibig

9.6K 230 30
                                    

Pinakinggan ang bulong ng mundo
mula sa unang lalaking
nagsambit sa akin
ng mga katagang, "Mahal kita.

Maling tao, maling pag-ibig.

Mahal daw ako,
pero hindi naman ako
binigyan ng halaga.

Mahal daw ako,
pero bakit pinagpalit
pa rin sa iba.

Maling pag-ibig, maling relasyon.

Sigarilyo, alak at pornograpiya,
hanggang sa tuluyang malunod sa mundo.
Kinalimutan ang taong nakadipa
sa krus ng kalbaryo
habang may koronang tinik
na nakapatong sa ulo.

Maling mga tao, maling mundo.

"Anak, bumalik ka na" bulong Niya
nang tinalikuran ko ang paraiso
para sa makasalanan na mundong ito.

"Anak, mahal kita" litanya niya
habang hinahagkan
at hinuhugasahan
ang buo kong pagkatao.

Sa unang pagkakataon
naramdaman ko
na ang tunay na pag-ibig
ay hindi masusumpungan sa mundo
kung hindi sa Kaniya lang-
na pinagpalit ang trono
para iligtas ako, ikaw, tayo
mula sa kasalanang
nakakadena sa ating pagkatao.

Tamang Tao, Tunay na Pag-ibig

Mga Hinabing Talinghagang


Date: 9/17/18

Mga Hinabing Talinghaga (Wattys2019 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon