I was unable to hold back my laughter. "Babaeng pakakasalan mo? Aba, mas malala pa pala saltik mo sa akin, eh! At naniniwala ka talaga sa horoscope? Kakaiba! So, ang ibig sabihin ay lahat ng taong may zodiac sign na katulad sa'yo ay makakatagpo ng dalawang babae ngayong araw na 'to na pwedeng maging kabiyak ng puso n'ya o bwisit ng buhay n'ya?"
"So, hindi ka naniniwala sa horoscope?" he asked.
I looked weirdly at him. "Hindi, ano! Ang baduy mo. Ano 'yan, synchronized destiny churva? Nakakaloka. Gawain ng mga tanga."
"Gan'yan ka ba talaga?"
"Bakit, ano ba ako?"
"Ang lakas mong manlait."
"At kailan naman kita nilait, aber?"
"Manggagantso, tanga, baduy. Ilan lang 'yan sa flattering na adjectives na narinig ko galing sa'yo ngayong araw na 'to."
"Ang sarcastic mo."
"Thank you," he replied with a grin.
"Itulak kaya kita sa gitna ng daan para maging lubos na 'yang injury mo?"
"Ang sama mo. Buti na lang talaga hindi na tayo magkikita ulit," he muttered. "Bakit ka nga pala umiiyak?"
"Tsismoso lang?"
"Bakit, masama bang magtanong?"
"Oo, lalo na kung hindi mo naman dapat itinatanong."
"May rambol ba?" biglang may nagsalita at napatingin kaming dalawa sa bandang kanan kung saan nakatayo ang gwardiya.
Hindi man lang namin namalayang nasa loob na pala kami ng Infirmary.
"Po?" Ano ba 'to si Manong nakakangawit ng utak.
"'Yang boyfriend mo, sa rambol ba 'yan?"
"Hindi ko po s'ya boyfriend!"
"'Tsaka hindi po sa rumble 'to, nasagasaan po ako nitong babaeng ito," sabat ng kasama ko.
"Kung makasabi ka naman ng nasagasaan!" Naitulak ko s'ya at muntik na s'yang matumba kung hindi lang s'ya sinalo ni Manong Guard. "Sorry! Sorry!" I apologized repeatedly.
He gave me an icy glower. "Ikaw talaga 'yung babaeng magdadala sa akin ng maraming problema," bulong n'ya.
Umismid ako. "Isang problema lang kasi after nito ay sayonara, adios, at babush na."
"Umalis ka na nga rito. Mas lalo yata akong mapapahamak sa'yo, eh."
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang ako naiyak. Ayoko kasi ng pakiramdam ng ipinagtatabuyan. Naalala ko rin 'yung gunggong kong ex-boyfriend na pangit na nga pero niloko pa rin ako.
"Gan'un? Gusto mong umalis ako?" Gumaralgal ang boses ko at medyo nagulat silang dalawa ni Manong Guard. "Ano, gusto mong umalis ako at iwan kita rito?! Ang layo ng ibiniyahe ko, eh! Ang dami kong sacrifices! Ang sakit ng sinabi mo! Manloloko ka!"
"Hoy, ano ka ba," he murmured. "Nakakahiya ka na."
"Gan'un? Ikinakahiya mo ako?! Kaya ka ba nanligaw ng iba, ha?"
Hindi ko alam kung bakit naalala ko si Albert sa mga sinabi n'ya. Feeling ko si Albert ang nagsabi sa akin ng mga salitang 'yun. Umalma tuloy ang brain cells ko.
"Walanghiya ka!" I continued to cry. "Hayop! Ang kapal ng mukha mo!"
Naguguluhan na sa amin si Manong Guard kaya unti-unti s'yang lumayo sa amin. "Ser, pakalmahin mo muna 'yang girlfriend mo at tatawag lang ako ng nurse."