Chapter 4

285K 7.8K 643
                                    

"Ano ito beauty pageant at ikaw ang organizer kaya galit ka kasi nakalimutan ko ang sash ko?" pagtataray ko sa kanya. 

 Ang laki ng problema ng Intsik na 'to.

"Dapat kasi hindi ka na lang bumalik 'tapos bumaba ka pa talaga!"

"Taragis naman! Ako na nga itong tutulong, eh! Ako na nga 'tong magmamagandang-loob na ihatid ang isang walang-kuwentang tarantadong tulad mo tapos ikaw pa 'tong galit!"

"Salamat sa walang kuwentang tarantado, ha, Green. Nakakataba ng puso," he sarcastically quipped.

Lalo akong nabuwisit. "Bahala ka na nga d'yan."

"Saan ka pupunta?"

"Uuwi na sa aking kaharian. Nakakapeste ang makipag-usap sa mga mortal na talipandas na tulad mo!" I angrily retorted as I walked back to my car.

"Sinira mo na lang din 'yung kinabukasan ko, panagutan mo na at isakay mo na ako d'yan sa kotse mo!"

Lumingon ako sa kanya at tiningnan ko s'ya nang masama. "Sinira ko ang kinabukasan mo? Anong akala mo sa akin, shabu?!"

"Dami mong satsat. Lumapit ka na nga rito at alalayan mo na ako."

"Gumapang ka papunta sa kotse ko, walanghiya ka."

"Green!"

"Tseh!"

"Green! Ang sakit ng paa ko..." he dramatically said but I ignored him. "Green!"

Hay naku! Ano bang meron dito sa Diliman at parang may sapi ang mga lalaki rito?! Dapat 'di na lang talaga ako umalis ng Cebu! Nyemas! Sarap gawing otap 'tong mga 'to!

"Green, magang-maga na talaga ang paa ko at nahihirapan akong maglakad..."

Badtrip, eh. Lakas mang-alaska. At ang mas nakakainis ay alam kong kasalanan ko kung bakit injured s'ya. Hay, naku!

"Oo na! Nand'yan na!" I yelled as I went back to him.

Inalalayan ko s'ya hanggang sa sasakyan ko and he opened the door to let himself in. Hirap s'yang iangat ang mga paa n'ya at ako naman nag-fi-feeling alalay, mega assist.

"Salamat." He smiled.

I scowled at him.

His smiled widened. "Salamat, babaeng masungit..."

I walked to the driver side and slid into my seat. "Mag-seatbelt ka," I coldly said.

"Galit ka? Sorry na, alam ko namang hindi mo sadyang sirain ang buhay ko, eh."

"Ang kapal ng mukha mo. Ako? Ako talaga ang sumira sa buhay mo? Alam mo, naiinis na ako at gusto ko nang ibangga itong kotse para matuluyan ka na."

"Mainitin talaga ulo mo, ano?"

"Eh, ano naman? Ikaw nga ang liit ng kita mo kasi singkit ka pero wala kang narinig na reklamo sa akin!"

"Racist 'yang remark mo."

"Ay, racist na ako? 'Di ba magkapareho tayo ng race, bakit anong lahi ka ba?!" I irately asked.

"H'wag ka namang sigaw nang sigaw. Sabi mo kasi maliit kita ko dahil sa mga mata ko," he replied softly and for some reason I ended up laughing. Ang tanga lang kasing pakinggan n'ung sa kanya na nanggaling. "Tapos ngayon tumatawa ka pa."

"It sounded so stupid coming from you," I remarked.

He frowned. "Ang lakas mo talagang mang-insulto."

"Thank you," I said before I sighed. "Ano ba, Red. Ilang oras pa lang tayong nagkakilala pero lahat yata ng klase ng emosyon naramdaman ko na sa'yo. Kakaiba ka. You na talaga."

Lovefools (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon