Chapter 18

200K 7.9K 1.1K
                                    

Tinanghali kami ng gising. Sabay kaming tumakbo ni Red palabas ng kuwarto ko at nag-unahan kaming bumaba. Kadalasan, nauuna akong maligo kasi s'ya ay nagluluto pa ng agahan pero ngayon, wala na akong balak mag-breakfast dahil alam kong sobrang late na kami.

"Red, h'wag ka nang magluto, okay? Bawi na lang tayo sa lunch."

"Okay," he replied as we pushed the bathroom door open.

Nagkatinginan kaming dalawa at tinaasan ko s'ya ng kilay. "Ako muna."

"Ano ka ba, late na rin ako."

"Hala ka, ladies first."

"Ako ang magmamaneho at tatanggalin ko pa ang cover ng kotse at itutupi kaya dapat ako ang mauuna."

"Hindi ka talaga gentleman."

"Eh, 'di, hihintayin mo pa akong maligo bago tayo makaalis dito?"

"H'wag ka na kasing maligo!" I frowned at him. "Bigyan kita ng tabo, d'yan ka sa lababo sa kusina at magwisik-wisik ka na lang."

"Alam mo, ikaw, wala kang puso. Hindi ako maliligo tapos ikaw maliligo?"

"Babae ako, eh!"

"Nasaan ang equality na parati mong sinasabi kung hindi ako maliligo dahil lalaki ako at ikaw ay maliligo dahil babae ka?"

"Ang daldal mo. Lalo na tayong ma-li-late nito." Itinulak ko s'ya at pumasok ako sa loob pero hinarangan n'ya ang pinto at pumasok din s'ya. "Ano ba, don't tell me sabay tayong maliligo?!"

"H'wag kang magtanggal ng damit at maligo kang naka-pajama para 'di ko makita 'yung ipinagmamalaki mong wala namang dapat ipagmalaki."

"Ang kapal mo, Redley! Sexy ako, hayop ka! Bakit, ikaw may ipinagmamalaki ka ba?"

"Aba, hinahamon mo ba ako?"

"Tarantado."

"Halika na nga, napakaingay mo kahit umaga." He was grinning as he pulled me with him.

"Ayoko! Ano ba!"

"Para namang momolestyahin itong si Victoria, maliligo lang tayo."

"Potek, ang halay mo! Sabay tayong maliligo?"

"H'wag ka nang maarte."

He turned the shower on and I shrieked in surprise.

At seryoso talaga ang gagong sabay kaming maliligo. Habang nakatunganga ako ay nag-sa-shampoo na s'ya.

"Ano, ako pa bang magsasabon sa'yo?" he asked.

I glared at him. "Ihian kita d'yan makita mo..."

He laughed.

"Actually, umiihi ako ngayon," he said.

My eyes widened in a mixture of alarm and disgust. 

"Ito naman para 'yun lang."

"Yuck! Kadiri ka! Ew!"

"Sus, eh 'di umihi ka rin para patas."

"Iihian ko itong pajama ko? Okay ka lang?"

"Eh, 'di tanggalin mo kung ayaw mong ihian," he suggested.

I hit his chest with my fist. 

He was laughing the whole time and I had the uncomfortable realization that I wasn't wearing a bra and my clothes were wet.

Manyak nitong gagong ito!

Pero kung anong conscious ko, s'ya naman ay dedma lang. Tinanggal n'ya ang t-shirt n'ya at walang kagatul-gatol na nagsabon ng katawan sa harap ko.

Lovefools (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon