First day of classes at mabuti na lang talaga ay ang aga nagising ni Redley kaya prepared na prepared na s'ya noong nagtatatakbo ako pababa para maligo. Hindi naman kami puyat pero nasanay na lang akong sobrang late nang nagigising. Si Red kasi ang gumagawa ng mga gawaing bahay at ako ay sitting pretty lang. Ginigising lang n'ya ako kapag nakapagluto na s'ya. Kadalasan, pagkatapos naming kumain ay s'ya na rin ang naghuhugas ng mga pinggan samantalang ako ay balik-kama.
Nagkasabihan na kami ng schedule at tuwang-tuwa s'ya na magkapareho kami ng college. Sabi n'ya ang lungkot daw kasing tumambay mag-isa.
Sa totoo lang, mabait si Red. Sobrang bait. Kaya ang sarap abusuhin. Mabuti na lang talaga at mabait din ako kaya 'di ko s'ya inaabuso. Nang todo.
"Nasa akin na ang bag mo. You have fifteen minutes," Red said glancing at his watch. Nakaupo s'ya sa sofa at ako naman ay walang pake na lumabas ng banyo na naka-tuwalya lang. Hindi ko alam kung bakit wala talaga akong maramdamang malisya sa kanya kahit katiting lang. Feeling ko may problema yata ang radar ko kasi kung tutuusin ay may hitsura si Red. At lalaking-lalaki s'ya. Pero hindi ako nahihiya sa kanya o naiilang. O baka rin sobrang sanay lang talaga ako sa mga lalaking merong aura na tulad kay Red—'yung parang protective na Kuya.
"I'll be ready in ten minutes," I replied as I ran up the stairs to my bedroom.
Parehong 8:30 AM ang klase namin sa Virata School of Business o mas kilalang BAA sa mga estudyante ng U.P. Diliman.
"H'wag kang masyadong magmadali at baka mahulog ka d'yan sa hagdan!" he hollered.
I rolled my eyes heavenward. Minsan talaga ang feeling nito ay mas matanda s'ya sa akin. Kinarir ang pagiging older brother. Magkakasundo kayo ng mga Kuya ko, Redley!
Hindi ko na s'ya sinagot at dali-dali akong nagbihis. Pinasadahan ko lang ng hairdryer ang buhok ko kaya medyo basa pa ito n'ung bumaba ako sa hagdan.
"Ready?" Red asked and I nodded.
Nauna akong lumabas at s'ya naman ay naiwan kasi gusto n'yang s'ya ang nagsasara ng mga pinto. Wala kasi s'yang tiwala sa aking kakayanang mag-lock ng bintana, pintuan, at gate.
Malapit lang ang apartment namin sa university. Wala pang labinlimang minuto ay nasa Virata na kami at nag-pa-park na si Red.
Hindi ko na hinintay na pagbuksan n'ya ako ng pinto although I saw him frown when I opened the door myself.
"Anong floor ka, Green?" he asked as we were walking towards the building's entrance.
"Second."
"Third ako," he said as we took the stairs. "Ihatid na muna kita. Hanggang anong oras ka?"
"Ano ka ba, hindi mo ako kailangang ihatid. Bobong-bobo ka ba sa akin at feeling mo maliligaw ako rito?"
"Hindi ko sinabing bobo ka pero aminin na nating minsan ay may pagkatanga ka," he answered grinning.
I scowled at him. Ang kapal mo, ha. Nakangisi pa itong gagong ito!
"Anong room number mo, Green?"
"Bahala ka sa buhay mo..." I muttered.
He laughingly put an arm around my shoulders. "Ano ba naman itong babaeng ito, napakamatampuhin."
"H'wag ka nga d'yan, ang kulit mo!"
Alam ko kung anong room number ko kahit na sinasabi ng baliw kong kasamang shunga ako most of the time. "Sige na, dito na ako. Bye." I waved at him and he pinched my cheek.
"See you later. Until 11:30 AM ka lang din 'di ba?"
"Oo. Sabay na tayo mag-lunch," I told him and he nodded. "Later, Intsik!"