Chapter 13

200K 7.6K 1.4K
                                    

"Anong number twenty-two?!" pabulyaw na tanong ko kay Redley. Ang sama-sama ng loob ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit masyado kong dinibdib 'yung ginawa ni Intsik. Kung tutuusin ay ang babaw lang naman n'un pero nagtampo talaga ako.

"Tama na, mamaya ma-late ka pa sa klase mo," he said.

Kaso tumulo na ang mga luha ko kaya ayokong kumalag sa pagkakayakap ko sa kanya. Ayokong makita n'ya akong umiiyak ako. Panigurado kasi kakantyawan na naman ako ng loko.

"Gianna..."

"Tumahimik ka..." I whispered and heard him sigh when a sob escaped my lips.

"Sorry na nga eh."

He held me tighter. "Halika na, ihatid na kita. AS din naman klase ko pati 'yung next class ko. Hintayin mo ako mamaya, ha, h'wag kang mag-taxi na uuwi."

"Ayoko nang pumasok..." I weepily said.

"Hindi pwede. Ano ka ba, ang layo mo sa pamilya mo 'tapos magbubulakbol ka lang? H'wag gan'un, Green. Isipin mo naman mga magulang mo 'tsaka ano...'yung future natin."

"Sige, asarin mo pa ako..."

He laughed softly. "Kaya nga sorry na. Pagdating sa bahay pwede mo akong alipinin. Although, inaalipin mo na naman ako—"

"Redley! Tumahimik ka sabi, eh!" I sniveled.

He laughed. "Ikaw ang maldita mo pero ang iyakin mo."

He leaned back to look at my face before he took his handkerchief out of his pocket and then wiped my tears with it. "Tama na. Sorry na. Ayokong umiiyak ka. Reserve your tears for something more worthy."

"Like what?"

"Like losing someone as good-looking as me." He smiled.

I scowled.

"Uy...tatawa na 'yan. Ngiti na, Green..."

"Bwisit ka, 'di ko talaga kakalimutan itong araw na 'to."

"Itong araw na ito lang ang hindi mo makakalimutan? Dapat lahat ng araw na magkasama tayo."

"Sa araw-araw na pang-aalaskang ginawa mo sa akin, for sure 'di ko talaga makakalimutan lahat ng mga araw na magkasama tayo!" I countered. "Akin na nga 'yang panyo mo at sisingahan ko."

Hinablot ko ang panyo n'ya at ginamit para punasan ang mukha at leeg ko. 'Yun nga lang nagpawis talaga ako nang bongga kaya pati dibdib ko pawis.

"Red tumalikod ka."

"Bakit?"

"Basta."

Nagkibit-balikat s'ya pero tumalikod naman.

Nagmadali kong inangat nang kaunti 'yung blusa ko at ginamit ang panyo n'yang pamunas ng pawis. Nangingiti ako sa aliw kasi pakiramdam ko ay nakaganti ako sa kanya.

"Pwede nang humarap?"

"Gora," I said.

I handed him back his handkerchief but he merely stared at it.

"O, bakit hindi mo kinukuha? Ano na naman?"

"Anong ginawa mo d'yan?"

"Saan?"

"Sa panyo ko?"

"Pinampunas ko ng pawis. Bakit, tingin mo dinuraan ko 'to?"

"Eh, bakit mo ako pinatalikod?"

"Ay naku, ang arte mo. Fine, lalabhan ko—"

"Akin na." Hinablot n'ya ang panyo sa kamay ko. "Napakamatampuhin mo. Gan'yan ka ba talaga sa lahat o sa akin lang?" he asked. "Hm...ano kayang ginawa mo sa panyo ko?"

Lovefools (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon