I stared at the closed door for minutes. Wala akong naririnig na mga patak ng tubig kaya alam kong hindi pa naliligo si Redley.
Ano raw? Loko 'yun, ah! Tinawag pa akong dense ng gago! Nakakainis! I griped.
But, for some reason, I felt guilty. "At bakit naman daw ako ma-gi-guilty?" I huffed.
Aminado naman akong inaalipin ko talaga s'ya kasi s'ya na nga 'yung nagluluto ay s'ya rin ang naglilinis ng bahay. "Pero, isinasama ko naman sa washing machine 'yung dalawang t-shirt n'ya n'ung naglaba ako, ah! Kung makabilang naman 'tong Intsik na 'to..."
Matagal kong tinitigan ang nakasaradong pinto. I was confused kung anong ibig n'yang sabihin because under normal circumstances ay iisipin ko talagang may gusto s'ya sa akin at akit na akit s'ya sa aking alindog.
Pero imposible. Ang vocal kaya ng talipandas na 'yun na 'di n'ya ako gusto, ang assuming ko naman.
"Red..." I knocked on the bathroom door. "Hoy, Red!"
"Ano?" narinig kong sagot n'ya mula sa loob ng banyo.
"Wala. Sorry," I murmured. "'Yun lang..."
Nasobrahan yata ako sa pagtataray sa kanya kaya s'ya nagtampo.
I turned to leave but he opened the door. "Narinig ko 'yun," he said. "Nag-sorry ka."
I turned around to face him and saw him smiling.
"Oo, nag-sorry ako. Ikaw kasi, eh, ang lakas mong mang-alaska."
"Parang ikaw hindi. Pero, minsan kapag pinagsasabihan ka, makinig ka naman. Hindi naman lahat ng sinasabi ko ay pambubuwisit lang. I truly care about you—ayan ka na naman, nagtaas ka na naman ng kilay."
"Okay, dapat na ba akong makaramdam ng pagkailang kasi nagkaka-crush ka na sa akin? Sorry, ha, kasi kahit pinipigilan mo ang nararamdaman mo ay gan'un pa rin ang kinahinatnan," I jokingly told him.
Ayokong seryoso ang usapan namin kasi ang awkward sa pakiramdam. Kami ni Red puro kalokohan lang talaga ang alam naming kuwentuhan at kapag naging serious na ang tema parang 'di na kami 'yun.
"Green, pwede ba? Oo, maganda ka, matalino at cool na babae, pero, h'wag mo namang tawaran ang standards ko, okay? Ako? Magkakagusto sa'yo? Ano namang kagusto-gusto sa'yo? Ang lakas mong mang-insulto, ang burara mo sa mga gamit mo, at ang gaslaw mo pang gumalaw. Lalaki ka yata, eh. H'wag ka ngang pa-chicks d'yan."
"Ang kapal. Hoy, lalaking ipinaglihi sa Chin Chun Su, lalo namang walang kagusto-gusto sa'yo, ano. Ang arte-arte mo. Linis ka nang linis, para kang janitor. Tapos ang kapal ng mukha mong humarap sa akin nang walang t-shirt parang ang ganda naman ng katawan mo!"
"Aba teka lang, hindi ko kasalanang Chinese kami kaya maganda ang kutis namin. At anong sinasabi mong hindi maganda ang katawan ko? Look at these muscles..." He started flexing his arms. "Look at my chest..." He began posing in front of me. "Look at my abs—"
"Yuck..."
"Yuck daw. Do you want to touch my abs, Green? Basta ikaw, walang bayad." He grinned.
"Isaksak mo sa baga mo 'yang abs mo. Kadiri ka!"
Padabog na tumalikod ako at hanggang sa kuwarto ko ay rinig na rinig ko ang tawa n'ya.
Hayop talaga 'yung Intsik na 'yun. Kung makapagsabi namang walang kagusto-gusto sa akin...hmp! Sana sinakal kita gamit itong strap ng bra ko, 'di ba?
I apologized because I felt bad that he felt bad because of what I said. Pero ang gago, nag-sorry na nga ako nangburaot pa.
Matulog kang mag-isa d'yan sa kuwarto mong pang-poor at walang aircon. Pagpawisan ka sana nang todo at matunaw sana 'yung ipinagmamalaki mong abs. Tseh!