Chapter 10

218K 7.4K 717
                                    

Hindi ko iminulat ang mga mata ko. Takot akong makakita ng hindi ko dapat makita. I was holding on to his towel and my phone for dear life. Pakiramdam ko kapag bumitaw ako sa towel ni Red o telepono ko ay mahuhulog ako sa impiyerno ng kahihiyan. Hindi ako gumalaw at hindi rin ako huminga.

"Holy crap—" I heard Redley say before I heard the sound of him running and his bedroom door closing with a loud thud. Kahit alam ko nang nasa loob s'ya ng kuwarto n'ya ay nahihiya pa rin akong tumayo. Pero, alam ko rin namang hindi pwedeng forever kaming mag-date ng towel n'ya sa sahig.

I scrambled to my feet and then ran to my bedroom. Tarantang isinara ko ang pinto ko at rinig na rinig ko ang malakas na tambol ng dibdib ko.

"Ano ba 'yan, Green," I  said groaning as I covered my face with the towel I was holding. "Green! Para ka talagang tanga!"

Wala naman akong balak hubaran s'ya. Gusto ko lang talagang gulatin s'ya pero ako 'yung nagulat. Aminado akong clumsy ako at sa kagustuhan ko tuloy na magantihan s'ya ay nagmukha pa akong manyakis.

Pero, Lord hindi ko talaga sinasadya! Believe me, wala talaga sa isip kong mamboso! Diyos ko po, patawad!

Although, wala naman akong nakita pero namula pa rin ang mukha ko d'un sa nangyaring hubaran. I actually expected Red to storm out of the house with his things. Alam ko namang kasalanan ko lahat – ako 'yung shunga, ako 'yung inelegantly uncoordinated, at ako 'yung isip-bata na gumawa ng kalokohan para makaganti pero epic fail.

I looked at the towel I was holding and flinched. Itong towel na ito ay nakatakip sa hubad na katawan ni Redley! Maygahd!

Nagdalawang-isip tuloy ako kung anong gagawin ko sa towel n'ya—kung lalabhan ko ba o susunugin. Kaso ayokong naglalaba 'tsaka nakakatamad namang bumaba para maghanap lang ng posporo kaya isinampay ko na lang sa upuan ko.

Nagkulong ako sa loob ng kuwarto ko at pinakiramdaman ko kung lalabas ba si Red o hindi. Alam ko namang hindi ko sadya pero hindi ko pa rin maiwasang mahiya.

"Red, lumabas ka, manligaw ka, mamasyal ka o kaya ay umuwi ka sa inyo utang na loob! Hindi kaya ng kapangyarihan kong harapin ka," I murmured to myself.

Feeling ko kasi kung sakaling nagkabaliktad kami ng sitwasyon at ako ang nahubaran n'ya ay maghuhuramentado na ako nang bongga – hindi lang ako mambubugbog ng tao kundi manununog pa ako ng bahay.

"'Di bale, dito na lang ako sa loob at matutulog na lang ako," I said to myself. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction n'ya - pwede s'yang magalit, maasar, mahiya o mas malala ay manukso. "Green kasi, eh! Ang tanga mo!"

I plopped on my bed. "Hay naku, Green!"

Gusto kong mag-sorry pero nahiya naman akong tawagin s'ya. Baka mamaya sa asar n'ya sa akin ay 'di n'ya ako pansinin. Ayoko pa man din nang napapahiya. Matutulog na lang sana ako noong narinig kong may humintong sasakyan sa tapat ng bahay.

"Delivery po para kay Miss Gianna de Santiago!" someone shouted and I got off my bed.

"Green?" I heard Red call out my name.

Lumabas ako sa kuwarto ko at nakita ko s'yang naghihintay. He was wearing a pair of gray cargo shorts and light green round-necked shirt. "Yan na yata 'yung delivery mo," he said.

I nodded unable to look at him. 

"Hoy, Gianna h'wag kang magpaka-demure d'yan, 'di bagay sa'yo maging mahiyain," he teased.

"Tseh!" I replied.

He laughed. "Nahihiya ka sa akin?" he asked.

I scowled at him in irritation. 

Lovefools (SELF-PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon